(Kidapawan city/ October 9, 2012) ---Pinasinungalingan ni Senior Police Officer 4 Bong Cornelio,
intelligence officer ng North Cotabto Police, ang mga spekulasyo’ng may
kaugnayan siya sa last two operations sa lalawigan.
Ito ang sinabi ni Cornelio bilang tugon nito sa isang letter
expose na ipinalabas ng ‘di nagpakilalang whistle blower.
Aniya, maaari’ng isa lamang sa mga hinuli nilang last two
financiers ang nagdawit sa kanyang pangalan.
Nagpalabas si Cornelio ng pahayag upang
linisin ang kanyang pangalan at pati na rin ang kanilang organisasyon.
Naapektuhan na rin umano ang kani-kanilang pamilya dahil sa walang
katotohanang pahayag.
Tiniyak naman ng pulis na handa siyang sumailalim sa imbestigasyon
upang pormal na linawin ang pagkakadawit sa kanya sa iligal na gawain.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento