Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber ng Van, natagpuang tadtad ng bala!

(North Cotabato/ April 25, 2015) ---Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang Van Drayber makaraang matagpuang tadtad ng bala ang katawan nito sa isang plantasyon ng oil palm ni dating Pikit Mayor Sumulong Sultan sa bahagi ng Brgy. Takepan sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 6:30 ng umaga kahapon.

Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni P/Insp. Sindato Karim, ang OIC hepe ng Pikit PNP positibong kinilala ng misis nito ang biktima na si Felipe Amualla Sr., 53-anyos, residente ng Sinawingan, Libungan, North Cotabato.

Miyembro ng AFP, patay sa heat stroke

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Patay ang isang kasapi ng Philippine Army makaraang inatake ng heat stroke dahil sa tindi ng init habang nasa loob ng kanilang bahay sa 2nd Block Villanueva Subd., Kabacan, Cotabato ala 1:40 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Col. Joel Bautista, 54-anyos, sa ilalim ng intelligence ng Philippine Army at residente ng nabanggit na lugar.

UFO, nakita sa kalangitan ng North Cotabato?

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Palaisipan pa sa ilang mga residente dito sa lalawigan ng North Cotabato ang nakitang isang Unidentified Flying Object o UFO na lumilipad kapag gabi at maririnig pa ang ugong nito.

Batay sa ulat, ilang gabi na rin daw umanong mapapansin na may umuugong sa kalangitan, partikular sa bayan ng Aleosan, Pikit at Kabacan.

Resulta ng laboratory sample ng tubig na nakuha sa Kabacan river hinggil sa paglutangan ng mga isda sa Brgy. Aringay hindi conclusive ayon sa BFAR-12

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Hindi pa makapagbigay ng tamang konklusiyon ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 12 sa resulta ng nakuha na laboratory sample ng tubig mula sa Kabacan river hinggil sa paglutanagan ng mga isda sa Brgy. Aringay sa bayan ng Kabacan nitong nakaraang linggo.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni BFAR 12 Regional Director Sammy Malvas na nang dumating ang mga technical staff upang kumuha ng sample ng tubig ay ilang oras nang nakalipas ang insidente at iba na umano ang sitwasyon at kondisyon ng tubig dahil tuloy-tuloy ang daloy ng tubig sa ilog.

Capability Enhancement Seminar para sa mga BPAT sa isang Brgy. ng bayan ng Kabacan, naging matagumpay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Naging matagumpay ang isinagawang Barangay Police Action Team o BPAT Capability Enhancement Seminar sa Brgy. Upper Paatan, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News, dinaluhan ang nasabing aktibidad na humigit kumulang 20 mga BPAT sa nasabing barangay.

Revised Penal Code 333 o Adultery at Revised Penal Code 334 o Concubinage ipinaliwanag ni Hon. Judge Laureano Azate

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Ipinaliwanag ni Hon. Judge Laureano Azate ng RTC Branch 22 Kabacan ang Revised Penal Code 333 o adultery at Revised Penal Code 334 o concubinage.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng hukom na ang Revised Penal Code 333 o Adultery ay maaaring isampang kaso sa babaeng may asawa na naki-apid sa isang lalaki.

Negosyante ng itlog, ninakawan na ng pera, tinangay pa ang motorsiklo sa Arakan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Arakan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Patuloy pa ngayong pinaghahanap ng mga otoridad ang mga suspek na responsable sa panghohold-up at pagtangay ng motorsiklo sa isang negosyante ng itlog sa Brgy. Badiangon sa bayan ng Arakan, Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.

2 oras o mahigit pa na pagkawala ng supply ng kuryente, patuloy na nararanasan sa North Cotabato

(North Cotabato/ April 24, 2015) ---Patuloy pa ring nakakaranas ng dalawa o mahigit pang oras na brown-out ang service area ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco kada araw.

Paliwanag ng tagapagsalita ng Electric Cooperative Vincent Baguio dahil sa manipis na supply ng kuryente sa Mindanao Grid at ang nararanasang tag-tuyot kaya lumiit din ang na poproduce ng Hydro Power Plant sa Mindanao.

Horse Fighting o “bugno sa Kabayo”, isinusulong ng mga katutubo sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaan

(North Cotabato/ April 24, 2015) ---Isinusulong pa rin ng mga katutubo sa lalawigan ng North Cotabato ang Horse Fighting o “bugno sa Kabayo” sa kabila ng pagbabawal nito ng pamahalaan.

Ayon sa ilang mga tribal leader sa probinsiya hindi umano makatarungan ang pagbabawal sa kanila ng gobyerno.

Brgy. Kagawad sa Tulunan, NCot, umawat sa away binaril patay

By: Rhoderick Beñez

(Tulunan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Patay ang isang barangay Kagawad sa panibagong krimen sa Purok 2, Barangay Minapan, sa bayan ng Tulunan, lalawigan ng North Cotabato alas 12:40 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Insp. Rolando Dillera, OIC ng Tulunan PNP ang biktima na si Alex Alcarde Navallasca, 48-anyos, may asawa at brgy. kagawad ng nasabing barangay habang nakilala naman ang suspek na si Elay Absalon Muscuso, 38-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Midsayap, North Cotabato, isinailalim na sa State of Calamity

(Midsayap, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Isinailalim na sa State of Calamity ang Midsayap, North Cotabto bunsod ng matinding init sa lugar.

Sinabi ni Municipal Agriculturist Cesar Carcosia na umabot na sa halos 43 million pesos ang pinsalang dulot ng tagtuyot sa mga pananim ng mga magsasaka sa 25 baranggay mula sa 35 irrigated barangays ng bayan.

June 1, 2015, balik eskwela sa Deped

By: Mark Anthony Pispis

(Amas, Kidapawan City/ April 23, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang enrollment sa mga pampublikong paaralan na kung saan ay nagsimula pa noong January 25, nitong taong kasalukuyan.

Ayon kay North Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL News, pormal na magsisimula ang klase sa June 1, 2015 para sa SY 2015-2016.

Farm to Market Road na Programa ng PAMANA DILG, pinasinayaan sa isang Brgy. sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Pinasinayaan ang Farm to Market road na Programa ng Payapa at Maayos na Pamayanan o PAMANA sa ilalim ng Department of Interior and Local Government o DILG sa Brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, ang nasabing Farm to Market Road ay may kabuuang haba na 3kilometro.

Mga kabataang 15 anyos pababa, inaanyayahan ng LGU Kabacan na sumali sa libreng Basketball Sports Clinic sa susunod na buwan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2015) ---Inaanyayahan ngayon ng LGU ng Kabacan ang mga kabataan sa bayan na 15 anyos pababa na mahihilig at gustong matuto ng larong basketball na lumahok sa gagawing libreng Basketball Sports Clinic sa susunod na buwan.

Ayon kay LGU Kabacan Youth and Development Officer Latip Akmad sa panayam ng DXVL News, ang nasabing 4 na araw na aktibidad ay gaganapin ngayong May 4-7, 2015.

23 Magna Cum Laude at Cum Laude graduates ng Provincial Scholarship Program nag-courtesy call kay Gov Taliño-Mendoza

By: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan city/ April 23, 2015) ---Abot sa 23 mga scholars ng Provincial Scholarship Program o PSP ng Provincial Government of Cotabato ang bumisita sa tanggapan ni Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza kamakalawa.

Pinangunahan ito si Hannie Mae T. Dabucan, nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong BS Business Administration Major in Marketing Management sa University of Southern Mindanao-Kabacan kasama ang 22 iba pang mnag-aaral ng pawang mga Cum  Laude sa USM, Cot Foundation College of Science and Technology o CFCST Arakan at Southern Christian College ng Midsayap.

Kawalan ng trabaho ng mga guro dahil sa K-12 program ng Deped, itinanggi ng Schools Division Supt. ng North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(North Cotabato/ April 23, 2015) ---Hindi naniniwala ang Department of Education o DepEd North Cotabato Division na magkakaroon ng problema sa mga guro na nagtuturo sa mga Higher Education Institution bunga ng patuloy na pagpapatupad ng K-12.

Ayon North Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL, maari naman umanong mag-offer ng Senior High School ang mga Unibersidad at mga Kolehiyo sa lalawigan.

Pang-haharass sa detachment ng militar, kagagawan ng mga ligaw na kaluluwa ng BIFF ---BIFF Spokesperson

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2015) ---Pinabulaanan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na sila ang responsable sa sunud-sunod na pagpapasabog at pang-ha-harass sa mga detachment ng militar sa Cotabato City at Maguindanao nitong weekend.

Ayon kay BIFF Spokesperson Abu Misri Mama sa panayam ng DXVL News, hindi na umano bago sa kanila na sila na ang tinuturong responsable sa mga nagyayaring pang-haharas kasama na ang pamomomba noon paman na buhay pa ang kanilang founder na si Ustadz Ameril Umbra Kato.

RA 7877 o Anti Sexual Harassment Act of 1995 ipinaliwanag ni Hon. Judge Laureano Alzate

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Ipinaliwanag ni Hon. Judge Laureano Azate ng Regional Trial Court o RTC Branch 22-Kabacan ang RA 7877 o Anti Sexual Harassment Act of 1995 sa panayam ng DXVL news.

 Aniya, may keyword ang sexual harassment para mas madaling maintindihan.

A-I-M ang keyword sa offender. 

Ang maaaring maging akusado ng sexual harassment ay  may Authority, Influence at Moral Accendancy sa biktima.

Iba’t ibang proyekto ng LGU Kabacan inilatag ng Alkalde

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Inilatag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang iba’t ibang proyekto sa ibat’ ibang baranggay sa bayan ng Kabacan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng alkalde na may proyektong naipatupad na PAMANA projects at sa Bgry. Tamped may proyektong Salintubig para sa malinis at maiinom na tubig ng mga residente, meron ding ipinamigay na solar panel lights sa tulong ng Department of Energy at USM AREC.

P21M danyos ng dry spell sa Kabacan ---Mayor Guzman

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Abot na sa 21 milyon ang danyos na dulot ng dry spell sa Kabacan partikular na sa mga upstream na mga baranggay.

Ito ay ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. Dagdag pa ng alkalde na partikular na naapektuhan ng dry spell ay ang bayan ng Tamped kung saan namatay na umano ang kanilang mga pananim na mais.

Isang High Explosive Device, nahukay sa isang Brgy. sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Aksidenteng nahukay ang isang High Explosive Device sa isang farm lot sa Purok Pag-asa, Brgy. Aringgay dakung alas 8:30 kahapun ng umaga.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, ang nasabing pampasabog ay isang 81mm.

Mga CCTV na naka-kabit sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Pikit, inaasahang makakatulong sa pagsugpo ng kriminalidad sa bayan

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, North Cotabato/ April 21, 2015) ---14 na mga CCTV na ang naka-kabit sa palibot ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Pikit, Cotabato.

Ito ayon kay PInsp. Sindato Karim sa panayam ng DXVL News.

Anya, nakakabit na umano ang lahat ng mga ito ngunit 4 pa lamang sa mga ito ang

Sunog na naitala malapit sa public market ng Matalam, North Cotabato, patuloy pang ini-imbestigahan

By: Mark Anthony Pispis

(Matalam, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam Bureau of Fire sa nangyaring sunog sa isang bodega sa likurang bahagi ng Matalam Public Market partikular sa Tuscano St. Brgy. Poblacion sa bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Fire Insp. Narleap Nabor ng Matalam BFP sa panayam ng DXVL News, tinatayang nasa 5 libung piso ang naiatalang danyos ng nasabing sunog.

Pakitang gilis ng bagong liber ng BIFF ang mga pagpapasabog sa Maguindanao at Cotabato City

(North Cotabato/ April 21, 2015) ---Inako ngayon ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang reponsibilidad sa sunud-sunod na pagpapasabog sa Cotabato City at Maguindanao nitong weekend.

Sa panayam ng DXVL News kay Phil. Army's 6th ID Division Public Affairs Office Chief Captain Joan Petinglay na alas-7:05 nitong Sabado nang ihagis ng isang naka-motorsiklo ang isang granada sa isang police outpost sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tamontaka 2 sa Datu Odin Sinsuat kung saan, wala namang naitalang sugatan.

Bigo sa pag-ibig dalagita, nagpatiwakal!

(North Cotabato/ April 21, 2015) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 16-anyos na dalagita makaraang kitlin nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpatiwakal sa tinitirhan nito sa RH 11 sa Cotabato City, Maguindanao kahapon.

Batay sa ulat, alas 4:00 na ng hapon kahapon ng madiskubre na nakabitin ang biktimang si alias “Langga”, hindi niya tunay na pangalan, sa isang nylon belt na nakatali sa pinto ng kusina at naka pulupot sa kanyang leeg ang kabilang dulo. Nabatid na fresh graduate ng Laboratory High school sa lunsod ang biktima nitong buwan lamang ng Marso.

Mister patay matapos barilin ng mismong kainuman sa bayan ng Pikit, North Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Pikit, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng mismong kainuman nito sa panibagong krimen sa Sitio Manding sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North Cotabato ala 1:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP sa panayam ng DXVL News ang biktima na si Albert Wacan Roda, may asawa at residente rin ng nabanggit na bayan habang nakilala naman ang suspek na si Noel Lobo.

Bagong Barangay Health station sa isang barangay sa Kabacan, pinasinayaan

(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Pinasinayaan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang bagong Barangay Health station ng brgy. Dagupan, Cotabato.

Ang nasabing pasilidad ay mapapakinabangan na ng libu libong residente sa nasabing brgy.

P5.9M na halaga ng PAMANA Projects, naipamahagi sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Abot sa P5.9M halaga ng proyekto at programa ng (PAyapa at MAsaganang PAmayanan) o PAMANA projects ang naipamahagi sa bayan ng Kabacan noong nakaraang taong 2014.

Ayon Kabacan Agricultural Technologist at report officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News, ang mga proyektong ito ay kinabibilangan ng 50 na bags ng mga Certified Palay Seeds, 75 bags na OPV Corn Seeds, 125 bags ng UREA at mga laminated sacks.

Missing na lalaki, pinaghahanap ng kapamilya kaanak matapos mawalay sa loob ng mahigit sampung taon

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Dumulog sa himpilan ng DXVL ang isang kaanak ng isang lalaking mahigit sampung taon nang nawalay sa kanyang pamilya.

Kinilala ang pinaghahanap na isang Joy Dayondon Braquel na residente Punta Flecha Pitogo Zamboanga del Sur.

Problema ng trapiko sa bayan ng Kabacan, pagtutuunan ng pansin ng LGU

By: Mark Anthony Pispis

 (Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Pagtutuunan ng pansin ng LGU Kabacan ang problema ng trapiko sa bayan sa mga darating na araw.

Ayon kay Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, magbibigay umano ng isang multicab ang LGU sa pangnguna ni Mayor Herlo Guzman Jr. na siyang magiging mobile patrol ng mga Traffic Management Unit Personnel.

Isang Rubber Processing Plant, sinalakay ng mga armadong kalalakihan sa Makilala, North Cotabato: gwardiya dinis-armahan

By: Mark Anthony Pispis

(Makilala, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Nilusob ng mga di pa kilalang armadong mga kalalakihan at dinisarmahan pa ang gwardya sa Farma Rubber Processing Plant sa San Vicente, bayan ng Makilala, North Cotabato dakung alas 6:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa ulat ng Cotabato Police Provincial Office sakay ng limang mga motorsiklo ang mga suspek ng biglang pasukin nila ang nasabing plantasiyon.

42-anyos na lalaki, utas sa tandem

(North Cotabato/ April 22, 2015) --- Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 42-anyos na lalaki matapos na ratratin ng di pa kilalang riding tandem assassins sa Sinsuat, Avenue, Cotabato City pasado alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Police Station 1 Chief of Police Sr. Ins Efren Salazar ang biktima na si Mohalidin Otto Mc Arthur, na taga Aleosan, North Cotabato.

Mindanao, naghahanda na para sa ASEAN Integration ---Mindanao Development Authority

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 20, 2015) ---Isinusulong ng Mindanao Development Authority o MindA ang ASEAN integration o pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga bansa sa Asya.

Sa panayam ng DXVL news kay MinDA Director III Romeo Montenegro ipinaliwanag nito na ang ASEAN integration ay isang ekonomiya na may madaling transaksyon at zero o halos walang taripa o import duties na babayaran sa lahat ng produkto na lumalabas-pumapasok sa sampung iba’t ibang bansa na kasapi ng ASEAN o Association of South East Asian Nation.

Dating pulis sa Kidapawan City, arestado sa droga!

By: Christine Limos

(Kidapawan city/ April 20, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dating pulis sa Kidapawan City matapos mahuli noong Huwebes alas 8:00 ng umaga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga elemento ng PDEA-ARMM sa pangunguna ni IA3 Ferdinand Kintanar.

Kinilala ni PDEA-ARMM Director Yogi Felimon Ruiz ang suspek na si PO1 Roy Ramirez, alias Kano Ramirez na itinuturing ng PDEA na high value target at no.1 target sa listahan ng Kidapawan City PNP.

Bigo sa pag-ibig dalagita, nagpatiwakal!

By: Christine Limos

(North Cotabato/ April 20, 2015) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 16-anyos na dalagita makaraang kitlin nito ang sariling buhay dahil sa kabiguan sa pag-ibig pamamagitan ng pagpatiwakal sa tinitirhan nito sa RH 11 sa Cotabato City, Maguindanao kahapon.

Batay sa ulat, alas 4:00 na ng hapon kahapon ng madiskubre na nakabitin ang biktimang si alias “Langga”, hindi niya tunay na pangalan, sa isang nylon belt na nakatali sa pinto ng kusina at naka pulupot sa kanyang leeg ang kabilang dulo.

Pakitang gilis ng bagong liber ng BIFF ang mga pagpapasabog sa Maguindanao at Cotabato City

By: Christine Limos

(North Cotabato/ April 20, 2015) ---Inako ngayon ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang reponsibilidad sa sunud-sunod na pagpapasabog sa Cotabato City at Maguindanao nitong weekend.
Una ng iniulat na alas-7:05 nitong Sabado nang ihagis ng isang naka-motorsiklo ang isang granada sa isang police outpost sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tamontaka 2 sa Datu Odin Sinsuat kung saan, wala namang naitalang sugatan.

Tribung Kalivungan ng Cotabato tumulak na sa para sa Aliwan Festival 2015

(Kidapawan City/ April 20, 2015) ---Dala ang pag-asa at determinasyon na makuha ang kampeonato ng Aliwan Festival ngayong taon, tumulak na patungong Pasay City ang Tribung Kalivungan ng Cotabato nitong Sabado April 18, 2015.

Sa send-off ceremony na pinangunahan ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa Carmen Municipal Hall grounds, binigyan nito ng moral support ang Tribung Kalivungan at pinasalamatan ang mga ito sa pagsisikap na maiuwi ang karangalan sa Lalawigan ng Cotabato.

Mister, utas sa inuman

(North Cotabato/ April 20, 2015) ---Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng mismong kainuman nito sa panibagong krimen sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Albert Wacan Roda, may asawa at residente rin ng nabanggit na bayan.

5 kasapi ng NPA, nagbalik loob sa gobyerno sa lalawigan ng North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ April 20, 2015) ---Gutom at hirap ang tumulak sa limang mga kasapi ng New People’s Army o NPA kaya nagbalik loob sila sa pamahalaan kamakalawa.

Ayon kay 57th Infantry Battalion Spokesperson Capt. Jay Cabatic, 3 mula sa mga ito ay nanggaling sa Pulang Bagani Command 2 sa ilalim ng Sub-Regional Command na nag ooperate sa Brgy. Manobisa, Imamaling, Don Panaca at Manobo sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

P10M expansion and upgrading project sa Fr. Tulio Favali Municipal Hospital pinasinayaan

By: Jimmy Santa Cruz

(Amas, Kidapawan city/ April 20, 2015) ---Binuksan na sa publiko ang upgraded building ng Fr. Tulio Favali Municipal Hospital sa Tulunan, Cotabato noong April 15, 2015.

Ang naturang gusali na nagkakahalaga ng P10M ay pinondohan ng Dept of Health o DOH sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program o DOH-HFEP kung saan ang Provincial Government of Cotabato ang implementing agency.

Ipo-ipo nanalasa sa 7 ektaryang sagingan sa Kidapawan City

By: Mark Anthony Pispis

(North Cotabato/ April 20, 2015) ---Abot sa mahigit 2 Milyung piso ang naiwang pinsala makaraang manalasa ang ipo-ipo sa 7 ektrayang sagingan sa Sitio. Calaocan, Brgy. Paco sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Ginoong Daniel Curambao, 46 anyos, residente ng Brgy. Mua-an Kidapawan City, isang negosyante na siyang may-ari ng nasabing sagingan sa panayam ng DXVL News team halos maubos ang 10 libung puno ng saging ng humambalos ang ipo-ipo sa nasabing lugar.

Restaurant pinasabog ng tandem

(Cotabato city/ April 20, 2015) ---Dalawang sunod na pagsabog ang gumulantang sa Cotabato City at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao matapos maghagis ng granada ang dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa compound ng restaurant noong Sabado ng gabi.

Naganap ang unang pagsabog sa police detachment sa Barangay Tamontaka Dos sa bayan ng Datu Odin Sinsuat dakong alas-7 ng gabi kung saan wala namang iniulat na nasugatan.
Bandang alas-8 ng gabi niyanig naman ng pagsabog ang bakuran ng Aling Precy Restaurant matapos itong hagisan ng granada ng riding-in-tandem.

Habal-habal driver patay sa riding in tandem sa Kidapawan city

(Kidapawan City/ April 20, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang alamin ang panibagong insidente ng pamamaril sa Kidapawan City.

Batay sa ulat patay ang isang habal-habal drayber makaraang ratratin ng riding tandem sa harapan ng Philippine National Bank sa Quezon Boulevard, Kidapawan city kamakalawa.