Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P10M expansion and upgrading project sa Fr. Tulio Favali Municipal Hospital pinasinayaan

By: Jimmy Santa Cruz

(Amas, Kidapawan city/ April 20, 2015) ---Binuksan na sa publiko ang upgraded building ng Fr. Tulio Favali Municipal Hospital sa Tulunan, Cotabato noong April 15, 2015.

Ang naturang gusali na nagkakahalaga ng P10M ay pinondohan ng Dept of Health o DOH sa pamamagitan ng Health Facilities Enhancement Program o DOH-HFEP kung saan ang Provincial Government of Cotabato ang implementing agency.


Si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang nanguna sa formal turnover ng proyekto matapos ang blessing ceremony.

Ayon sa gobernadora, isang breakthrough para sa Fr. Tulio Favali Municipal Hospital ang pagkakaroon ng bagong gusali dahil mas mapapahusay nila ang kanilang serbisyo ayon na rin sa kanilang mission-vision.

Malugod namang tinanggap ni Dr. Sabino Marasigan, Chief of Hospital ng FTFM Hospital at ng buong personnel ng pagamutan ang proyekto.

Sinabi ni Dr. Marasigan na natutuwa sila sa pagbabagong anyo ng hospital dahil magbibigay ito ng karagdang inspirasyon sa mga doktor, nurses at iba pang hospital staff sa paglilingkod sa mga may sakit at iba pang mga pasyente.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento