By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 21, 2015)
---Abot sa P5.9M halaga ng proyekto at programa ng (PAyapa at MAsaganang
PAmayanan) o PAMANA projects ang naipamahagi sa bayan ng Kabacan noong
nakaraang taong 2014.
Ayon Kabacan Agricultural
Technologist at report officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News, ang mga
proyektong ito ay kinabibilangan ng 50 na bags ng mga Certified Palay Seeds, 75
bags na OPV Corn Seeds, 125 bags ng UREA at mga laminated sacks.
Ang PAMANA ay programa ng National
Government sa ilalim ng Office of the Presidential Adviser for the Peace
Process o OPAPP na naglalayong palakasin ang mga lugar sa buong bansa na apektado
ng kaguluhan o mga Conflict Affected Areas.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento