Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

RA 7877 o Anti Sexual Harassment Act of 1995 ipinaliwanag ni Hon. Judge Laureano Alzate

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 22, 2015) ---Ipinaliwanag ni Hon. Judge Laureano Azate ng Regional Trial Court o RTC Branch 22-Kabacan ang RA 7877 o Anti Sexual Harassment Act of 1995 sa panayam ng DXVL news.

 Aniya, may keyword ang sexual harassment para mas madaling maintindihan.

A-I-M ang keyword sa offender. 

Ang maaaring maging akusado ng sexual harassment ay  may Authority, Influence at Moral Accendancy sa biktima.

Dagdag pa ng hukom na maaaring maganap ang sexual harassment sa W-E- T- o Workplace, Educational at Training institution. 

Maaari umanong maging biktima ng sexual harassment ang naghahanap ng trabaho o na empleyado. 

Sa educational at training institution naman ay maaaring maging biktima ang estudyante na bumagsak ang grado sa paaralan.

Ang offender umano ay pwedeng maging babae o lalaki at ang biktima naman umano ay pwede ring maging babae o lalaki.

Ipinaliwanag din ng hukom ang tugkol sa moral ascendancy.

Ang parusa umano ng sexual harassment ay maaaring makulong ng hindi bababa sa isang buwan at hindi lalampas sa anim na buwan at ang multa ay sampung libo at dalawampung libong piso. 

Ang prescriptive period umano na maaaring magsampa ng kaso ay dapat nasa loob ng tatlong taon.

Dapat din umano ay may CODI o Committee on de corum and investigation na mag-iimbestiga sa reklamo. Ang head of office umano na walang aksyon sa reklamo ng trabahador ay maaaring maisama sa kakasuhan sa civil case.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento