Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 kasapi ng NPA, nagbalik loob sa gobyerno sa lalawigan ng North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ April 20, 2015) ---Gutom at hirap ang tumulak sa limang mga kasapi ng New People’s Army o NPA kaya nagbalik loob sila sa pamahalaan kamakalawa.

Ayon kay 57th Infantry Battalion Spokesperson Capt. Jay Cabatic, 3 mula sa mga ito ay nanggaling sa Pulang Bagani Command 2 sa ilalim ng Sub-Regional Command na nag ooperate sa Brgy. Manobisa, Imamaling, Don Panaca at Manobo sa bayan ng Magpet, North Cotabato.


Anya sumuko umano ang mga ito dahil sa hirap ng buhay na nararanasan ng mga ito habang nasa kabilang panig matapos na unti-unti ng nawawalan ng supporta mula sa taong bayan at gusto na ng mga ito na mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Dagdag pa ng opisyal, dalawa sa kanilang mga kasama na buhat sa bayan ng Makilala ay una ng sumuko sa pamahalaan.

Bagamat sumuko ang mga ito ng walang dalang armas, meroon naman umanong dokumentong magpapatunay na ang mga ito ay talagang miyembro ng makakaliwang grupo.

Samantala nakatakda namang ipamahagi sa mga sumuko ang Livelihood Assistance Package na programa ng gobyerno para sa mga miyembro ng makakaliwang grupo ng nagbabalik loob sa gobyerno.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento