Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Resulta ng laboratory sample ng tubig na nakuha sa Kabacan river hinggil sa paglutangan ng mga isda sa Brgy. Aringay hindi conclusive ayon sa BFAR-12

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Hindi pa makapagbigay ng tamang konklusiyon ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 12 sa resulta ng nakuha na laboratory sample ng tubig mula sa Kabacan river hinggil sa paglutanagan ng mga isda sa Brgy. Aringay sa bayan ng Kabacan nitong nakaraang linggo.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni BFAR 12 Regional Director Sammy Malvas na nang dumating ang mga technical staff upang kumuha ng sample ng tubig ay ilang oras nang nakalipas ang insidente at iba na umano ang sitwasyon at kondisyon ng tubig dahil tuloy-tuloy ang daloy ng tubig sa ilog.

Dagdag pa ng kawani na normal ang resulta ng nakuhang water sample.


Paliwanag din ni Director Malvas na isa sa naging dahilan kung bakit di sila makapagbigay ng eksaktong resulta ito dahil sa kulang ang sample na kanilang nakuhang isda. 

Aniya, dapat umano abot sa isang kilo ng isda ang makuha na sample.

Samantala, inihayag din ng opisyal na wala namang naiulat na nalason sa pagkain ng isda.

May mga aligasyon din umano na posibleng nagtapon ng molasses ang sugarcane factory sa upstream sa Matalam ngunit malabo din umano itong maging dahilan ng paglutangan ng mga isda dahil ang insidente ay nangyari lamang sa Bgry. Aringay partikular sa ilalim ng tulay.

Maaari din umanong may nag hagis ng lason sa parte ng Kabacan river sa Brgy. Aringgay.

Nanawagan din si Regional Director Malvas sa mga brgy. Kapitan na makipagtulungan kung sakaling may mangyari ulit na insidente lalo na sa pagkuha ng water sample. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento