(Kabacan, North Cotabato/ April 21,
2015) ---Pinasinayaan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang bagong
Barangay Health station ng brgy. Dagupan, Cotabato.
Ang nasabing pasilidad ay
mapapakinabangan na ng libu libong residente sa nasabing brgy.
Dinaluhan din ni Kabacan Mayor Herlo
Guzman Jr, North Cotabato Integrated Provincial Health Office Director Dr Eva
Rabaya at iba pa ang nasabing seremonya ng turn-over ng health facility.
Agad namang nagpaabot ng pasasalamat
si ABC Pres. Raymundo Gracia at sa mga kasamanag opisyal na nanguna upang
maipatayo ang bagong Health Station na malaking tulong para sa mga residente
doon.
Ang Barangay Health Station ay
nagkakahalaga ng isang milyong piso at inaasahang darating na sa mga susunod na
buwan ang kalahating milyong pisong halaga ng health equipment para sa pasilidad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento