Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Evacuation, ipinag-utos sa mga residente na malapit sa karagatan ng Visayas at Mindanao kasunod ng Magnitude 7.7 na lindol


(Kabacan, North Cotabato/August 31, 2012) ---Niyanig ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng bansa ngayong gabi lamang.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), magnitude 7.7 ang yumanig sa karagatang Pasipiko.

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 112 kilometro timog-silangan ng Guiuan,Eastern Samar.

Ilang bahagi ng Mindanao, niyanig ng lindol ngayong gabi lamang


(Kabacan, North Cotabato/August 31, 2012) ---Naramdaman ang ilang pagyanig ng lindol sa bahaging ito ng Mindanao alas 8:53 ngayong gabi lamang na may tinatayang intensity 1.

Hindi pa matukoy kungsaan ang epicenter ng lindol habang inaalam pa ng Philvolcs kungsaan ang sentro ng pagyanig at ang magnitude nito.

Replika ng Asik- asik Falls makikita sa Midsayap, North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/August 28, 2012) ---Matatagpuan sa municipal gym ng Midsayap ang nakamamanghang replika ng natatanging spring falls sa Pilipinas- ang Asik- asik.

Opisyal itong nakita ng publiko noong Linggo, August 27, na itinaon sa playsuit competition segment ng 2012 Search for Mutya ng North Cotabato.

179 pupils sa Libungan, North Cotabato sumailalim sa blood typing


(Libungan, North Cotabato/August 28, 2012) ---Sa pangunguna ng Philippine National Red Cross Cotabato City Chapter, abot sa 179 na kabataang nasa Grades 4, 5 and 6 ang sumailalim sa blood typing activity na ginanap sa Nicaan Central Elementary School, Libungan, North Cotabato.

Kasabay ito ng District Children’s Science Interactive Workshop o CSIW na dinaluhan ng mga paaralang nasasakop ng Department of Education Libungan East District noong August 24 ng taong kasalukuyan.

Bata, sugatan matapos hampasin ng kahoy sa Kabacan, North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/August 28, 2012) ---Sugat sa kamay at galos sa likod ang tinamo ng isang menor-de-edad matapos paghahampasin ng kawayan ng sarili nitong ama sa barangay Dagupan, Kabacan, North Cotabato, bandang alas kwatro ng hapon, kamakalawa.

Si Don-don, di niya tunay na pangalan, ay nakita ng ilan niyang kapitbahay na sinasaktan ng ama.
Ayon sa kwento ni Don-don, noong Enero lamang siya kinuha ng kanyang ama mula sa kanilang kamag-anak matapos siya nitong ipa-ampon.

Iba’t-ibang problema at hinaing ipinaabot ng mga purok opisyal sa binuong grupo ng K5 sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 27, 2012) ---Samu’t-saring problema at hinaing ang ipinaabot ng ilang mga purok opisyal sa ipinatawag na pagpupulong ng grupo ng K5 o Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan, at Kaunlaran ng bayan ng Kabacan kahapon ng hapon sa Notre Dame of Kabacan, Kabacan, Cotabato.

Bagama’t nilinaw ng grupo na hindi sila ang nasa otoridad para manghuli ng mga gumagawa ng krimen, iginiit ng Pangulo ng grupo na si Kgd. David Don Saure na sila ang kakalampag sa pulisya at maging sa LGU na aaksiyon sa mga nagaganap na insedente sa bayan sakaling usad pagong ang tugon nila sa nasabing pangyayari.

Pambato ng Kidapawan city; nasungkit ang Korona bilang Mutya ng North Cotabato 2012

Photo by: RJ Cacatian
(Kabacan, North Cotabato/August 27, 2012) ---Nasungkit ni Mary Ann Maghari ang korona ng Mutya ng North Cotabato 2012 sa isang beauty pageant na ginanap kagabi sa Midsayap Municipal Gym, Midsayap, North Cotabato.

Si Maghari ay pambato ng Kidapawan city.

Habang 1st Runner up naman, ang kandidata ng Kabacan na si Ms. Jayner Pascual, 2nd runner up Ma. Jemi Keziah Arroyo ang pambato ng Alamada, 3rd runner up ang Miss Antipas na si Geraldine Claveria habang 4thRunner up ang pambato ng bayan ng Midsayap na si Jeanebelle Tan.

Pinaniniwalaang malaking sindikato ng illegal na droga, huli sa buybust raid sa Libungan


(Kabacan, North Cotabato/August 27, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 21 anyos na lalaki makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa mismong pwesto nito sa Anthony’s RTW na nasa National Higway, Poblacion, sa bayan ng Libungan nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang nahuli na si Mark Ian Songco Manuel, may asawa, negosyante at residente ng Sausa, Cotabato city.

Grupong K5, muling binuo sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 27, 2012) ---Binuo sa bayan ng Kabacan kamakailan ang isang non-government organization na tinawag na “Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran sa Bayan ng Kabacan” o K5 na ang pangunahing layunin ay tutukan ang mga nangyayaring kriminalidad at mga kahalintulad na insedente sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay K5 Pres. at Poblacion Brgy. Kagawad David Don Saure Sr., nabuo ang nasabing grupo matapos ang nangyaring sunod-sunod na patayan dito sa bayan ng Kabacan.

Isa din sa tinitingnan dahilan ng K5 na dahilan ng krimen sa bayan ay ang talamak na bentahan ng illegal na droga na isa din sa mga nais puksain ng grupo.

DJ ng DXVL, nabiktima ng mga kawatan


(Kabacan, North Cotabato/August 26, 2012) ---Abot sa mahigit kumulang sa walong libung piso na mga damit ang nalimas ng di pa nakilalang pagnanakaw makaraang manakawan ang Imu’s boarding house na nasa Guiang St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report naganap umano ang insedente kasagsagan ng mahabang brown out nitong Biyernes ng gabi.