Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DJ ng DXVL, nabiktima ng mga kawatan


(Kabacan, North Cotabato/August 26, 2012) ---Abot sa mahigit kumulang sa walong libung piso na mga damit ang nalimas ng di pa nakilalang pagnanakaw makaraang manakawan ang Imu’s boarding house na nasa Guiang St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report naganap umano ang insedente kasagsagan ng mahabang brown out nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa biktima na si Anthony Henilo, 21, tubong Parang, Maguindanao at mas kilala sa tawag na Blooper’s Tonio o BT sa radyo, kabilang sa mga ninakaw ng kawatan ay ang kanyang 2 pantalon, 2 shorts, walong t-shirts at isang boxer shorts na isinampay sa nasabing boarding house.

Ginawa umanong entry point ng mga suspek ang pader na nasa likurang bahagi ng nabanggit na boarding house, kungsaan sinasabing tandem ang dalawang magnanakaw isa ang bata at isa ang matanda ito batay sa mga bakas na nakita.

Ilang beses na ring nanakawan ang nasabing boarding house, ayon sa report.

Bukod dito na ireport din ang nakawan sa bahagi ng Purok Bukang Liwayway.

Nitong nakaraan lamang biktima ng mga kawatan ang isang residente ng Bai Matabay Plang Village 3 kungsaan nakuha ang laptop ng isang residente, ayon kay Plang village 3 Pres. Uldarico Lavalle.

Kaugnay nito may paalala ngayon ang mga otoridad sa publiko na siguraduhing nakabantay at maging vigilante sa lahat ng oras. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento