(Kabacan,
North Cotabato/August 27, 2012) ---Binuo sa bayan ng Kabacan kamakailan ang
isang non-government organization na tinawag na “Kilusan tungo sa Kapayapaan,
Kalinisan at Kaunlaran sa Bayan ng Kabacan” o K5 na ang pangunahing layunin ay tutukan ang mga nangyayaring
kriminalidad at mga kahalintulad na insedente sa bayan ng Kabacan.
Ayon
kay K5 Pres. at Poblacion Brgy. Kagawad David Don Saure Sr., nabuo ang nasabing
grupo matapos ang nangyaring sunod-sunod na patayan dito sa bayan ng Kabacan.
Isa
din sa tinitingnan dahilan ng K5 na dahilan ng krimen sa bayan ay ang talamak
na bentahan ng illegal na droga na isa din sa mga nais puksain ng grupo.
Sinabi
naman ni Sis. Teresa Rose Salazar, OND, Directress ng Notre of Kabacan nabuo ang
nasabing organisasyon nito pang taong 2009, ito para magiging aktibo ang bawat
mamamayan na maging bahagi ng paglutas ng mga problema ng bayan at muling
nilikha ngayong taon matapos ang nakaka-alarmang kriminalidad sa Kabacan.
Isinagawa
naman sa Notre Dame of Kabacan kahapon ng hapon ang isang pagpupulong hinggil
sa pagbalangkas ng mga estratihikong planu at pagsasagawa ng focus group
discussion na ang layunin ay makabuo ng tinatawag na pangmatagalang kapayapaan
sa bahaging ito ng North Cotabato.
Kaugnay
nito, ipinakilala rin ang bagong mga miembro ng K5 ngayong taon: Pres-Kgd.
David Don Saure, 1st VP- Councilor Reyman Saldivar, 2nd
VP- James Anthon Molina, 3rd VP- Lawrence Anthony Dollente, 4th
VP- Leah Matullano, 5th Abdulfatah Dalid.
Secretary:
Araceli Estacio; Asst. Sec.: Lydia Griño, Shiela Mae Tudlas; Tres: Celia
Guiang; Asst. tres: Councilor Jonathan Tabara, Auditor: Guillermo Salcedo Sr.;
PIO: Maty Grace Rapuza at Bus. Manager: Ma. Cecilia Abrenilla.
Ang
Kilusan tungo sa Kapayapaan, Kalinisan at Kaunlaran sa Bayan ng Kabacan o K5 ay
grupo ng mga mamamayan na nagkakaisa mula sa iba’t-ibang sektor na iisa lang
ang hangarin ang panatilihin at kaayusan at katahimikan sa bayan bukod pa sa
pagtutok sa kalinisan.
Kasabay
nito, inilunsad din ang Kabacan I-Patrol mo na maaaring magtext ang sinasabing
mga legitimate na miembro ng patrollers sa 0939-33-93-168.
Sa
kanyang mensahe, sinabi si Vice Mayor Pol Dulay na suportado nito ang grupo sa
kanilang magandang layunin, dumalo din sa nasabing pagpupulong si Councilor
Jonathan Tabara at mga purok president ng Poblacion, Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento