(Libungan, North Cotabato/August 28, 2012) ---Sa pangunguna ng
Philippine National Red Cross Cotabato City Chapter, abot sa 179 na kabataang
nasa Grades 4, 5 and 6 ang sumailalim sa blood typing activity na ginanap sa
Nicaan Central Elementary School, Libungan, North Cotabato.
Kasabay ito ng District
Children’s Science Interactive Workshop o CSIW na dinaluhan ng mga paaralang
nasasakop ng Department of Education Libungan East District noong August 24 ng
taong kasalukuyan.
Ayon kay First
Congressional District Office Special Operations Head Benny Queman, naging
aktibo ang partisipasyon ng mga elementary pupils sa bawat proseso upang
malaman kung anong uri ang kanilang dugo.
Nagsagawa rin ng voluntary
mobile blood donation. Umabot sa 38 bags of blood ang naipon mula sa mga
nagdonate na magulang at guro.
Nagpapasalamat naman
si District Science Coordinator Victoria Econg sa suportang ipinadala ni North
Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan upang maging matagumpay
ang katatapos ang nasabing blood donation activity.(Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento