Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bata, sugatan matapos hampasin ng kahoy sa Kabacan, North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/August 28, 2012) ---Sugat sa kamay at galos sa likod ang tinamo ng isang menor-de-edad matapos paghahampasin ng kawayan ng sarili nitong ama sa barangay Dagupan, Kabacan, North Cotabato, bandang alas kwatro ng hapon, kamakalawa.

Si Don-don, di niya tunay na pangalan, ay nakita ng ilan niyang kapitbahay na sinasaktan ng ama.
Ayon sa kwento ni Don-don, noong Enero lamang siya kinuha ng kanyang ama mula sa kanilang kamag-anak matapos siya nitong ipa-ampon.

Sumbong ni Don-don, inutusan lamang siya’ng bumili ng sigarilyo at alak sa tindahan. 

Pag-uwi ng bata, pinagalitan siya ng ama dahil lamang sa listahang naiwan nito sa tindahan.

Nasa trabaho – nang mga oras na ‘yun, ang kanyang stepmother, kaya’t ‘di naawat ang pananakit ng ama.

Sinabi pa ni Dondon na hindi ito ang unang pagkakataon na sinaktan siya ng ama.

Noong nakaraang buwan, hinampas siya ng upuan ng ama noong sila ay nakatira pa sa Pasig City sa Metro Manila.

Bagama’t mangiyak-ngiyak na nagsumbong sa mga opisyal ng barangay, minabuti naman ng batang ipatawag na lamang sa konseho ng barangay ang kanyang ama upang maresolba ang kaso.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng konseho ang kasong ito.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento