(Kabacan, North Cotabato/August 31, 2012) ---Niyanig ng
malakas na lindol ang ilang bahagi ng bansa ngayong gabi lamang.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 112 kilometro timog-silangan ng Guiuan,Eastern Samar.
Kaugnay nito, agad na iniutos ngayon ng (Phivolcs) ang
paglikas ng mga residenteng malapit sa karagatan, sa mga lalawigan sa Mindanao
at Visayas na posibleng magkaroon ng tsunami.
Ito ay kasunod ng magnitude 7.9 na lindol na yumanig sa
Guiuan, Eastern Samar ngayong gabi.
Bagama't ayon sa Phivolcs, nasa magnitude 7.7 lamang ang
kanilang naitala kung saan ang sentro ay naitala sa 122 kilomtero
timog-silangan ng Guiuan.
Ayon naman sa USGS may lalim na 34.9 kilometro ang
pinagmulan ng lindol.
Ayon sa Phivolcs, kailangang lumikas ang mga residente na
malapit sa karagatan sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Southern
Leyte, Surigado del Norte at Surigao del Sur.
Nabatid mula sa Phivolcs na posibleng umabot ng dalawang
metro ang taas ng alon na maaring idulot ng pagyanig.
Itinaas ng Phivolcs ang tsunami alert level 3 sa mga
apektadong lugar.
Maging sa ilang bahagi ng Mindanao ay may mga pagyanig ding nararamdaman kabilang na dito sa Kabacan, Kidapawan city, Makilala, Davao.
Sa kasalukuyan wala ng suplay ng koryente ang ilang bahagi ng Tacloban.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento