Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng dating councilor ng bayan ng Magpet, nakitang palutang-lutang sa ilog na nasa bayan ng Pikit


(Pikit, North Cotabato/September 3, 2012) ---Nakitang palutang lutang ang bangkay ng pinaniniwalaang nawawalang treasure hunter sa ilog na nasa bayan ng Pikit, North Cotabato nitong Sabado.

Ayon kay head Public Affairs Army’s 6th Infantry Division Col. Prudencio Asto na narekober ng kanilang tropa sa Rio Grande de Mindanao ang bangkay na katawan ni Eddie Jesus Apostol, dating municipal councilor ng bayan ng Magpet, North Cotabato.


Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo nito at nakataling parang baboy ng matagpuan ng mga operatiba ng 5th Special Forces ng Philippine Army.

Nabatid mula kay Magpet Mayor Efren Piñol na ang biktimang si Apostol ay pumunta sa noong Agosto a-29 sa bayan ng Pikit para sa gagawing treasure hunting sakay sa kanyang bagong Honda XRM subalit hindi na ito bumalik sa kanilang lugar at natagpuan na lamang na palutang-lutang sa ilog.

Ayon sa report, tinungo umano ni Apostol ang Marsh sa bahagi ng Pikit matapos na sinabihan itong may malaking potensiyal ng  treasure ang nasabing lugar.

Laking gulat na lamang ng mga sundalo ng makita nila ang Press ID nito sa wallet mula sa nasabing bangkay.

Bagama’t nakitaan ng media ID ang biktima, hindi naman inamin ni Piñol kung si Apostol nga ba ay lehitimong kasapi ng media.

Naniniwala naman ang mga otoridad na posibleng pinatay muna ang biktima bago itinapon sa ilog makaraang tinangay ang pera at ang motorsiklo nito ng mga di pa nakilalang mga salarin. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento