(USM,
Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Isang malaking karangalan hindi
lamang sa College of Veterinary Medicine kundi maging sa University of Southern
Mindanao matapos na mamayagpag sa top 4 ang isang graduate ng USM sa katatapos
na Licensure examinations for veterinarians.
Kinilala
ni Review Coordinator at Class adviser Dr. Lilian Lumbao ang 4th
Placer na si Dr. Julius Czar Moreno Bayan, apo ng nagtatag ng USM na si Haj Bai
Fatima Matabai Plang.
Sinabi
ni Dr. lumbao na ang eksaminasyon ay isinagawa sa Capitol University sa Cagayan
de oro city at sa Manila noong Agosto a-26 hanggang 28, 2012.
Sa
Pitung daan at tatlong (703) mga kumuha ng exams, abot lamang sa dalawang daan
at tatlumpu (230) ang mga nakapasa.
Samantala
may 32.72% na national Passing rate ang USM.
Sa
33 mga kumuka ng Licensure Examination for veterinarian mula sa USM, 17 dito
ang nakapasa dahilan kung bakit nakuha ng USM ang passing rate nito na 51.52%.
Sa
25 mga veterinary schools sa buong bansa, nasa ikatlong pwesto ang USM batay sa
30 at higit na mga examinees.
Nangunguna
dito ang UPLB na may 58 takers katumbas ng 84.48% sinusundan ito ng CLSU o
Central Luzon state University na may 58-takers katumbas ng 55.17% at
pumapangatlo dito ang University of southern Mindanao na may 33 takers katumbas
ng 51.52%.
Lubos
naman ang pasasalamat ni CVM Dean Dr. Emerlie Okit sa mga nagsikap ng
estudyante, kasama ang kanyang mga co-teachers, sa USM Administrative council
at higit sa lahat sa Panginoong Diyos kungsaan ibinabalik nito ang lahat ng
tagumpay at papuri sa kanya lamang. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento