(Kabacan, North Cotabato/September 5, 2012)
---Patay na ng matagpuan ang isang 44-anyos na ginang habang 2 pa ang missing na
nakasama sa nalunod na Bangka sa Pulangi river partikular na sa Brgy. Tamped,
Kabacan, Cotabato alas 5:30 kaninang umaga.
Ayon kay Brgy. Tamped Kapitan Daniel
Saliling, lulan umano ng nasabing pumpboat ang 18 katao karamihan mga mag-aaral
ng Tamped Elementary School at lalahok sana sa Math Oliampiad dito sa USM Annex
subali’t isang malaking Bangka ang nag-overtake sa kanila na naging dahilan ng
pagkakalikha ng malaking alon.
Dahil sa malaking alon, pumasok ang tubig sa
bangkang sinasakyan ng mga estudyante at unti-unting nalunod, ito ayon kay
kapitan Saliling.
Sinabi ng opisyal na, overloaded umano ang
nasabing Bangka dahil sa mga kargang uling.
Kinilala ang namatay na si Lilibeth Mandayas,
44 habang missing pa hanggang sa mga oras na ito sina Maryjean Abarca, 26 at
Jenybabe Saliling, 12 pamangkin ni Kapitan Saliling.
Ang nasabing bangkay ay pag-aari ng isang
Dalandam Abas papunta sana sa bahagi ng Carmen sa may Quarry Ferry Terminal pero
habang lumalayag ay nalunod na ito sa bahagi ng Philippine Timber Corporation.
Ayon sa opisyal, traumatic na ngayon ang
ilang mga survivors kasama na ang mga guro ng mga estudyante na
pansamantalayang nasa brgy. hall.
Agad namang nagpadala ng pumpboat si
Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza kasama ang rescue team ng
province, Kabacan LGU, Kabacan PNP at mga residenteng nag-volunteer para
magalugad ang pulangi river para mahanap ang dalawang missing.
Sa ngayon nasa erya na rin si Doktor
Sofronio Edu, Jr., kasama si MSWD Rescue team head Latip Akmad at mga volunteer
nurses para isailalim sa debriefing ang mga biktima na naka survive. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento