Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update 3) 2 mga missing sa tumaob na Bangka sa Pulangi river, narekober na


(Kabacan, North Cotabato/ September 7, 2012) ---Narekober na ng mga rescue team ang dalawang missing sa tumaob na bangka sa Pulangi river kamakalawa ng umaga sa brgy. Tamped, Kabacan.

Ayon kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Officer Dr. Cedric Mantawil nakita ang bangkay ni Maryjane Abarca na nakahimpil sa riverbank ng Ugalingan at Tamped na nasa boundary ng Kabacan at Carmen.

Nakita ang bangkay ng biktima kaninang alas 6:00 ng umaga ng mga residente sa paligid at agad naman nilang inireport ito sa Provincial Disaster Risk Reduction Management ng Cotabato Province.
Agad namang tinungo ng team ni MDRRMC Mantawil ang lugar at dinala sa bahagi ng Carmen ang bangkay dahil sa mas malapit ito sa lugar.

Sinabi ng opisyal na nakita sa nabanggit na lugar ang bangkay ng biktima dala ng malakas na current ng tubig kungsaan abot sa mahigit sa isang oras kung lalakarin ng normal mula sa pinangyarihan ng insedente ang tinapunan ng bangkay ni Abarca, na residente ng brgy. Simbuhay.

Limang mga barangay ang dinaanan ng bangkay mula sa Tamped makaraang makita na ito sa boundary ng Carmen at Kabacan.

Kaugnay nito, sa panayam ng DXVL News kay P/Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP, nakita naman ang isa pang missing na 9 na taong gulang na bata na nakilalang si Geneve Saliling sa ilog na nasa Datu Montawal dakong alas 10:30 ngayong umaga.

Natagpuan ang bangkay ng bata na nasa stage of decomposition na, ayon kay Pascual.

Ang dalawa ay nahanap ng mga rescue team sa ikatlong araw ng search and retrieval operation sa paggalugad nila sa Pulangi river.

Samantala sinabi naman ngayong umaga ni MDRRMC Officer Mantawil na nagbigay na ng tulong na pagkain at cash si Kabacan Mayor George Tan sa mga survivors ng nasabing trahedya.

Habang, nagbigay na ng deriktiba ang punong ehekutibo kay Municipal Social Welfare Officer Susan Macalipat na ayusin na ang mga papeles ng mga namatay para sa funeral damages. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento