(USM,
Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012) ---Nilinaw ngayon ng pamunuan ng
University of Southern Mindanao o USM na may kaukulang permit ang pamumutol ng
kahoy sa loob ng USM Main campus, batay sa papeles na pinanghahawakan ni
Business Development Center Director Ariel Garcia buhat sa DENR na nakabase sa
Midsayap.
Naging
kontrobersiyal ang pamumutol ng kahoy sa loob ng campus, ito dahil sa
nirereklamo ng ilan ang nararamdamang init.
Paliwanag
ng opisyal, na napakadilim ng loob ng campus ng USM noon ng di pa nila pinutol
ang sanga ng mga puno ng kahoy.
Inihalimbawa
pa nito na palaging nananakawan ng mga gamit ang mga estudyanteng nagsasagawa
ng kanilang aktibidad sa Amphitheater dahil sa mga punong kahoy sila nagtatago.
Ang
ilang mga kahoy ay matanda na kaya delikado para sa mga dumadaang mga
estudyante na mabagsakan ng mga malalaking sanga nito.
Kaugnay
nito, inihalimbawa naman ni Director Orlando Forro ang Presidente ng Koltoda na
nabagsakan ng puno ng kahoy habang binabaybay ang kalsada sa harap ng College
of Education dahilan kung bakit nila ipinupursige ang pagputol ng mga sanga ng
kahoy.
Nilinaw
naman ng opisyal na ginagamit nila ang lumber ng mga kahoy sa mga itinatayong
imprastraktura sa loob ng USM na bagay namang nakakabawas ng gastusin sa
pagbili ng kahoy.
Sa
kabila ng pamumutol ng kahoy, sinabi naman ni College of Agriculture Dean Dr.
Adeflor Garcia na may hakbang na silang ginagawa, ito ay ang pagtatanim ng Oil
Palm na siyang mitigating measures, kontra climate change.
Maging
si IMEAS Dean Dr. Abubakar Murray ay kinatigan din ang pagpuputol ng kahoy
papunta sa kanilang Institute, ito dahil hindi maglalagay ng upgrade na linya
ang Cotelco kapag nakahambalang ang mga sanga ng kahoy papunta sa nasabing
gusali.
Maliban
dito, samu’t-saring mga kontrobersiya at concerns ang ipinaabot ng ilan sa
Pangulo, kabilang na dito ang isyu sa lupa ng USM at maging ang re-appointment
ng Pangulo.
Una
dito, nagbigay naman ng kanya-kanyang mga updates ang bawat deans at directors
ng bawat unit ng pamantasan, kungsaan sinabi ni College of Agriculture Dean Dr.
Adeflor Garcia na muling nakuha ng kolehiyo ang Center of Excellence o COE
makaraang matanggal ito sa CA noong 2008. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento