(Kabacan, North Cotabato/September 4, 2012)
---Arestado ng mga otoridad ang dalawa katao sa kanilang magkahiwalay na
operasyon kontra illegal gambling partikular na ang illegal number games na mas
kilala sa tawag na “last two” sa Pobalacion, Kabacan nitong linggo ng umaga.
Nanguna sa pag-aresto si P/Inps. Tirso
Pascual sa ilalim ng supervision ni P/Supt. Leo Ajero, ang bagong hepe ng
Kabacan PNP sa mga suspek na sina Trisha Gasciano Soriano, 24, dalaga at
residente ng Parang, Maguindanao na pansamantalang nanunuluyan sa Malvar St.,
at ang isa pa na nakilalang si Analea Subillaga Reyno, 35, single at residente
ng Aglipay St.
Nakuha mula sa posisyon ng mga ito ang last
two paraphernalia at bet money na nagkakahalaga ng P865.00 batay sa iba’t-ibang
denominasyon.
Agad namang inilagay sa kustodiya ng Kabacan
PNP ang mga nahuling salarin at kakaharapin ng mga ito ang paglabag sa R.A.
9287. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento