(Amas, Kidapawan City/September 3, 2012) ---Naiuwi
ng grupong Sagsak ng Lunayan, Midsayap, North Cotabato ang kampeonato sa
Showdown at Streetdancing competition na isa sa mga highlight ng Culmination
program ng Kalivungan Festival 2012 at 98th Founding anniversary ng
probinsiya ng North Cotabato.
First Runner up naman ditto ang tribung Maguindanao ng Malamote, Kabacan, kungsaan
naging makulay ang presentasyon ng mga ito makaraang itinampok ng mga ito ang
kakaibang sayaw at pananamit ng tribung Maguindanaoan.
2nd Runner up naman dito ang
contingent ng bayan ng Carmen na tumanggap ng P50,000.00 habang P100,000.00
naman ang tinanggap ng bayan ng Kabacan at P150,000.00 ang naiuwi ng kampeon
mula sa bayan ng Midsayap.
Matapos ang nasabing kompetisyon dinagsa
naman ng mga mamamayan ng Cotabato ang Kumbira sa Kapitolyo kungsaan sa
halagang sampung piso ay tiyak na busog kana dahil may ulam at kanin kana may
libre pang mineral water.
Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala”
Taliño Mendoza ang nasabing selebrasyon kasama si Vice Governor Gregorio Ipong
kasama na ang mga Sangguniang Panlalawigan members.
Dumalo din sa nasabing selebrasyon si second
district Representative Nancy Catamco.
Samantala naging pangunahing tagapagsalita
at bisita sa 98th Founding Anniversary ng Cotabato Province si
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General
Emmanuel Joel Villanueva.
Kaugnay nito, sinabi naman ng pulisya na
naging matahimik at mapayapa sa kabuuan ang buong linggong pagdiriwang ng
selebrasyon ng ika-98 pagkakatatag ng probinsiya ng Cotabato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento