Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga estudyante nalunod sa Bangka sa Kabacan?


(Kabacan, North Cotabato/September 5, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang search and rescue operation ng kabacan MSWDO at ng kabacan Pnp para alamin at kumpirmahin ang napabalitang diumano’y nalunod na mga estudyante sa sinasakyang Bangka ngayong umaga lamang.

Ito ang napag-alaman mula sa kay Tamped Kapitan Daniel Saliling kungsaan kaninang alas 7:00 ng umaga isang grupo ng mga mag-aaral buhat sa brgy Tamped Elementary School at mga partisipante ng Math contest at papunta ng USM Annex elementary School ang sakay sa bangkay  na pag-mamay ari ni Dalandam Abas ang diumano’y naireport na nalunod.

Pero ang balitang ito ay patuloy pang beniberipiko ng mga rescue team ng kabacan LGU na pinamumunuan ni Sir Latip akmad na nasa erya na para galugarin at alamin kung anu ang totoong nangyari.

Sa panayam ngayong umaga kay MSWD Officer Susan Macalipat, sinabi nitong pupunta na rin ang rescue team ng Province para ma serach din ang nasabing lumubog na Bangka.

Walang pang inisyal na ulat ang mga rescue team buhat sa erya pero aantabay tayo sa mga pinakahuling kaganapan… hinggil sa nasabing pangyayari.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento