(Kabacan,
North Cotabato/September 6, 2012) ---Sumampa na sa lima katao ang namatay sa
pagkakalunod ng bangka sa Pulangi river na nasa Sitio PTC, brgy. Tamped,
Kabacan, Cotabato alas 5:30 ng umaga kahapon.
Ayon
kay Kabacan Incident Quick Response Team Leader Latip Akmad, tatlo sa mga
namatay ay na rekober na habang dalawa dito ang hindi pa nakita at hanggang sa
mga oras na ito ay missing pa.
Kinilala
ng MDRRMC Kabacan na pinamumunuan ni Director Cedric Mantawil ang mga bangkay
na narekober na sina: Lilibeth Mandayas 42 residente ng Brgy Libpas, Pres.
Roxas, Cotabato; patay rin ng matagpuan ang mag-amang sina Bobong Marabe, 43 at
ang anak nitong si Bobs Marabe, 9 residente ng New Village, Poblacion, Carmen,
Cotabato.
Habang
missing at patuloy na pinaghahanap naman sina; Maryjane Abarca, 24 residente ng
brgy. Simbuhay, Kabacan; Geneve Saliling, 9, grade 3 pupil at residente ng
Tamped, pamangkin ni kapitan Daniel Saliling.
Samantala
narito naman ang mga pangalan ng mga nakaligtas sa nasabing trahedya: Sa mga
estudyante;
- Sofia Panambolan, 11
- Christine Porcadilla, 11
- Mikki Gomata, 12
- Danica Panigel, 10
- Dante Mandadtem, 9
- Nathaniel Maninggola, 9
- Jonamae Buenafe, 11
- Jenecel Tomas, 11
- Jenny Ambag, 12
Narito
naman ang mga pangalan ng mga gurong survivors:
- Jenny-Vi Amella
- Elvira Sepe
- Ebma Escobar
- Edu Salipungan, 46
Kinilala
naman ang pumpboat owner at operator na si Norodin Edu.
Bandang
alas 6:00 na ng gabi kahapon ng pansamantala munang pinatigil ang search and
Retrieval operations dahil sa madilim na ang paligid, ayon kay Latip.
Ngayong
araw, itutuloy ang paggalugad sa pulangi river para Makita ang dalawang mga
bangkay na nawawala.
Agad
namang nagpadala ng rescue team si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza
upang madaling maisalba at mahanap ang mga missing.
Nanguna
sa paggalugad sa ilog ng Pulangi ang pinagsanib na operasyon ng Kabacan
Municipal Disaster Risk Reduction-Kabacan incident Quick Response Team,
Cotabato-PDRRM, Provincial Rescue Team, Barangay Disaster Risk Reduction ng
Tamped at Brgy. Rescue Volunteers, Kabacan PNP at Cotabato PNP.
Samantala,
sinabi naman ni Rescue Team Latip Akmad na dinala na ang tatlong mga bangkay sa
Villa Funeral sa bayan ng Carmen.
Sinabi
naman ni MSWD officer Susan Macalipat na nagbigay na ng tulong ang LGU Kabacan
sa mga survivors ng nasabing insidente.
Ayon
kay Macalipat, Posibleng isailalim ngayong araw sa debriefing ang mga
nakaligtas sa trahedya matapos na ma-trauma ang mga ito, ayon sa report ni
Tamped Brgy kapitan Daniel Saliling.
Kahapon
tinungo na rin nina Dr. Sofronio Edu kasama ang mga Nurse na volunteer ang
lugar upang i-assist ang kondisyon ng mga biktima sa pagkakalunod ng Bangka.
Kung
matatandaan, tumaob ang bangkang sinasakyan ng mahigit sa 15 katao habang
naglalayag sa Pulangi river alas 5:30 kahapon ng umaga sa bahagi ng Sitio
Philippine Timber Corporation, Brgy Tamped, Kabacan, Cotabato.
Ayon
sa report ng MDRRMC Kabacan na pinamumunuan ni Dr. Cedric Mantawil lulan umano
ang nasabing Bangka ng mga 18-20 katao karamihan mga estudyante ng Tamped
Elementary School na lalahok sana sa District Math Olympics ng USM Annex ng
malunod.
Sinabi
ni Kabacan Incident Quick Response Team Leader Latip Akmad, may isa umanong
pumpboat na malaki ang nag-overtake sa Bangka na sinasakyan ng mga estudyante
at guro kaya lumikha ng malaking alon.
Dahil
dito, napasok ng tubig ang unahang bahagi ng Bangka dahilan kung bakit ito
nalunod.
Dagdag
pa sa report, na overloaded ang nasabing sasakyang pantubig dahil sa mga karga
nitong siyam na sakong uling, 2 sakong mais at isang alagang kambing sakay pa
ang pasahero nitong mga tao.
Agad
namang nagpadala ng pumpboat si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza
para tulong sa pag-rescue sa mga biktima. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento