(Kabacan, North Cotabato/September 6, 2012)
---Hold-up ang isa sa mga anggulong tinitingnang motibo ng mga kapulisan sa
pagbaril patay sa isang 51-anyos na negosyante sa Rizal St., National Highway,
Poblacion, Kabacan, particular sa harap ng simbahan ng Mormon’s alas 7:30
kaninang umaga.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Filomeno Albutra, Jr., 57-anyos, negosyante at residente ng Zamora St.,
Poblacion ng bayang ito.
Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay
P03 Richard Lagutang, imbestigador ng Kabacan PNP, galing umano ang biktima sa
kanilang bahay sakay din sa kanyang motorsiklo at pagdating sa harap ng Mormon’s
Church ay pinagbabaril ito ng mga riding in tandem.
Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang
biktima at dead on the spot ito makaraang mapuruhan sa ulo.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad,
nabatid na tinangay ng mga suspek ang sling bag na dala ng biktima na ayon sa
misis nito ay naglalaman ng malaking halaga ng pera,bukod sa narekober na cash
mula sa belt bag at wallet ng biktima na nagkakahalaga ng P67,000.00, ayon sa
PNP.
Si Albutra ay papunta na sana sa kanilang
buy and sell na nasa National Highway malapit sa nabanggit na simbahan ng
mapatay.
Napag-alaman na sinundan umano ang suspek
buhat sa kanyang bahay.
Narekober sa Crime Scene ang tatlong mga
empty case ng .45 na pistol na ginamit sa nasabing pamamaslang.
Agad namang tumakas sa di malamang
direksiyon ang mga suspek sakay sa di pa matukoy na motorsiklo.
Ito ang unang shooting incident na naganap
sa bayan ngayong buwan ng Setyembre
Patuloy na ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento