(Kabacan, North Cotabato/September 3, 2012)
---Pormal ng umupo bilang bagong Chief of Police si Supt. Leo Ajero nitong
Sabado matapos ang turn-over ng katungkulan nito bilang hepe ng Kabacan PNP.
Si Ajero ang pumalit sa posisyon ni Supt.
Raul Supiter na nagsilbi sa bayan ng Kabacan ng apat na buwan at kalahati
matapos ang deriktiba ng Provincial Office na mag-aaral ito sa Metro Manila.
Kung matatandaan, pinalitan ni Supiter ang
dating hepe na si Supt. Joseph Semillano noong Abril 16, 2012 na ngayon ay
denistino bilang bagong Chief of Police ng bayan ng Midsayap.
Sa loob ng mahigit sa apat na buwang
panunungkulan ni Supiter, tinutukan nito ang talamak na bentahan ng illegal na
droga particular na ang shabu kungsaan abot sa mahigit sa apat nap u katao ang
kanilang nahuling may paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act
of 2002.
Sinabi din ng opisyal na dahil sa mas
pinaigting na seguridad at pagbabantay walang shooting
incident na naitala ang
Kabacan PNP nitong nakaraang buwan ng Agosto, pero sa kabila nito mataas pa rin
ang kriminalidad sa bayan nitong mga nakalipas na ilang buwan matapos ang
sunod-sunod na patayan sa Kabacan.
Pinasalamatan din nito ang suporta ng
mamamayan, bagama’t takot ang ilan sa mga ito na mag-sumbong sa kanila,
malaking tulong pa rin ito, aniya para mapabilis ang kanilang paghuli sa mga
criminal at masasamang tao.
Samantala, ngayong araw din gagawin ang
turn-over ceremony ng bagong Provincial Director ng Cotabato PNP.
Papalit sa posisyon ni PSSupt. Cornelio
Salinas ang bagong Cotabato Police Provincial Director na si P/SSupt. Roque
Alcantara. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento