Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Enhanced Justice On Wheels (EJOW) gagawin na sa Kidapawan City bukas

JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (Sep 24) – Tuloy na ang pagsasagawa ng Enhanced Justice On Wheels o EJOW sa Provincial Capitol gymnasium bukas Sep. 25, 2014 ganap na alas-otso ng umaga.

Ayon kay Hon. Judge Lily Lydia A. Laquindanum ng Regional Trial Court Branch 24 ng Midsayap, Cotabato at Over-All Co-Chairperson of EJOW and the Increasing Access to Justice by the Poor Program, plantsado na ang lahat ng aktibidad bukas na mag-uumpisa sa isang opening program sa provincial gym.

Barangay Malingao sa Midsayap, N. Cotabato nagbalik- tanaw sa kabayanihang ipinakita ng kanilang komunidad

Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, Cotabato/ September 24, 2014) ---Nagbalik- tanaw ang mga mamamayan ng Barangay Malingao, Midsayap, North Cotabato isang taon matapos ang naganap na kaguluhan sa kanilang lugar.

Kung matatandaan ay naipit sa kaguluhan ang mga sibilyan at mga guro sa bakbakan ng military at MILF break- away group na BIFF kung saan ilang buhay ang nalagas at nagdulot ng takot at pangamba.

Tricycle drayber, pinabulagta sa Kidapawan City

Rhoderick Beñez

(Kidapawan City/ September 24, 2014) ---Pinabulagta ng riding tandem assassins ang isang tricycle drayber sa panibagong krimen na naganap sa Kidapawan City alas 3:30 kahapon ng hapon.

Sa report ni Pinsp. Samuel Bascon ng Kidapawan City PNP kinilala ang biktima na si Aldrin Mar Estrella Palaca, 29-anyos, may asawa, tricycle drayber at residente ng Purok Mangosteen, Brgy. Luvimin, Kidapawan City.

Dagdag na tropa ng sundalo, inilagay sa isang Brgy sa Matalam, Cotabato

Rhoderick Beñez & Mark Anthony Pispis

(Matalam, Cotabato/ September 24, 2014) ---Naglagay na ng dagdag na tropa ang mga sundalo at pulisya sa Brgy. Lower Malamote sa bayan ng Matalam, Cotabato matapos na sinalakay ng pinaniniwalaang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang detachment ng 42nd ng NCAA sa ilalim ng 38th IB na naka base sa Sitio Maligaya ng nasabing lugar.

Ito upang maiwasan ang harassment at maitaboy ang rebeldeng grupo sa lugar.

Bangkay ng 15-anyos na dalagita, natagpuang puno ng taga at saksak sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, Cotabato/ September 24, 2014) ---Wala ng buhay ng matagpuan ng isang empleyado ng SUMIFRU ang bangkay ng isang 15-anyos na dalagita sa isang farm lot sa Purok Tinago, Brgy. New Alimodian, Matalam, Cotabato pasado alas 9:00 ng umaga nitong Lunes.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang biktima ay nakilalang si Jovelyn Queme, 15-anyos, out of School Youth, residente ng Purok 3, sitio Calura, Brgy. Minamaing ng nasabing bayan.

Tindero, di nagpautang ng alak, sinaksak sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ September 24, 2014) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 52-anyos na tinder makaraang tumangging magpautang dahilan para saksakin hanggang sa pamatay sa mismong tindahan nito sa Brgy. Ladtingan, Pikit, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang biktima na Robert Buelis, 52-anyos residente ng nasabing lugar kungsaan pinagsasaksak ng suspek na nakilalang si Alvin Confordo.

Tulong sa mga residente naapektuhan ng lindol sa bayan ng Makilala, naibigay na!

(Makilala, cotabato/ September 23, 2014) ---Matapos na magdeklara ng State of Calamity ang bayan ng Makilala makaraang sinalanta ng lindol, agad namang namigay ngayon ng tulong ang LGU Makilala sa mahigit sa isang libung residente na naapektuhan nito.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Makilala Administrator Gerry Rigonan.

Aniya umaabot sa 123 ang mga kabahayan na nasira dahil sa nasabing lindol.

DepEd Cotabato, tiniyak na walang mga paaralan na malubhang naapektuhan ng nakaraang lindol

(Makilala, Cotabato/ September 23, 2014) ---Tiniyak ngayon ng Department of Education o DepEd cotabato Division na walang mga paaralan na malubhang naapektuhan ng nakaraang paglindol sa probinsiya.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas.

Aniya, maari namang pagdausan ng klase ang Luayon National High School sa brgy. Luayon, Makilala na siya’ng tinamaan ng matinding pagyanig nitong nakaraang weekend.

Registration para sa SK Election, hanggang 29 na lang; mga nagpaparehistro sa bayan ng Kabacan nasa 200 palang

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ September 23, 2014) ---Patuloy parin ngayon ang ginagawang SK registration hanggang September 29 ngayong buwan dito sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Comelec Kabacan Acting Election Officer Gideon Falcis, nasa kumulang 200 pa lamang ang nakaparehistro simula noong Sept. 20.

Mga Militante at Progresibong grupo, nagsagawa ng kilos protesta re: 42 paggunita ng Martial Law

(Kidapawan City/ September 22, 2014) ---Nagsagawa ng kilos protesta ang mga militante at progresibong grupo kaugnay sa ika-42 taong paggunita ng deklarasyon ng Martial law sa bansa sa mga lansangan ng Kidapawan city ngayong araw (September 22, 2014).

Sa panayam ng DXVL News kay North Cotabato Karapatan Secretary General Jay Apiag na nais nilang ipakita sa mamamayan ng probinsiya kung anu ang kalagayan ng karapatang pantao sa kasalukuyan.