(Pikit, North Cotabato/
September 24, 2014) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 52-anyos na tinder
makaraang tumangging magpautang dahilan para saksakin hanggang sa pamatay sa
mismong tindahan nito sa Brgy. Ladtingan, Pikit,
Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PInsp. Mautin
Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang biktima na
Robert Buelis, 52-anyos residente ng nasabing lugar kungsaan pinagsasaksak ng
suspek na nakilalang si Alvin Confordo.
Una dito, kumatok
ang dalawang mga suspek na sina Alvin Confordo at Sherwin Gilatek kapwa nasa
edad at residente ng Barangay Ladtingan bayan ng Pikit, Cotabato sa tindahan ng
biktima pero tumanggi itong magpautang.
Makaraan ang ilang minuto, ay bumalik ang dalawang lalaki sa
bahay ni Deles at walang kaabog-abog na pinagsasaksak ito ng suspek na si
Confordo gamit ang isang screwdriver.
Patay noon din
ang biktima, mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento