Roderick
Rivera Bautista
(Midsayap, Cotabato/ September 24, 2014) ---Nagbalik-
tanaw ang mga mamamayan ng Barangay Malingao, Midsayap, North Cotabato isang
taon matapos ang naganap na kaguluhan sa kanilang lugar.
Kung matatandaan ay naipit sa kaguluhan ang
mga sibilyan at mga guro sa bakbakan ng military at MILF break- away group na
BIFF kung saan ilang buhay ang nalagas at nagdulot ng takot at pangamba.
Sa ginawang pagpupulong ngayong araw sa
Malingao Elementary School ay sinariwa ng mga guro, barangay officials at mga
residente ang kabayanihang ipinakita ng bawat isa.
Kasama ang Department of Education at
tanggapan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan ay tinalakay din
ng mga dumalo sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang barangay.
Ayon kay dating Malingao Chairperson Jose
Esmael Tamalla, masasabi namang mapayapa ang kanilang barangay kahit pa man may
mga ulat ng kaguluhan sa pagitan ng military at BIFF noong nakaraang mga
linggo.
Pinasalamatan naman ng mga opisyal ng
baranagay Malingao at mag-aaral ng nabanggit na paaralan ang mga gurong bumalik
upang magturo sa mga kabataan.
Nagagalak naman ang DepEd sa patuloy na
paglilingkod ng mga guro sa Malingao Elementary School sa kabila ng nangyari
noong nakalipas na taon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento