JIMMY STA. CRUZ
AMAS, Kidapawan City (Sep 24) – Tuloy na ang pagsasagawa
ng Enhanced Justice On Wheels o EJOW sa Provincial Capitol gymnasium bukas Sep.
25, 2014 ganap na alas-otso ng umaga.
Ayon kay Hon. Judge
Lily Lydia A. Laquindanum ng Regional Trial Court Branch 24 ng Midsayap,
Cotabato at Over-All Co-Chairperson of EJOW and the Increasing Access to
Justice by the Poor Program, plantsado na ang lahat ng aktibidad bukas na
mag-uumpisa sa isang opening program sa provincial gym.
Tiyak na ang
pagdating nina Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez at Deputy Court
Administrator at Philippine Judicial Academy Officer Thelma Bahia upang
makibahagi sa isang buong araw na programa na magpapalaya sa humigit kumulang
sa 144 detainees o mga preso na nahaharap naman sa abot sa 180 na mga kaso.
Ang naturang bilang
ng mga kwalipikadong preso sa EJOW program ay base sa pinakahuling coordination
meeting ng EJOW technical working group at mga committee na kumikilos para sa
aktibidad.
Ayon pa kay Hon.
Judge Laquindanum, gagawin ang mobile court hearings and court-annexed
mediation sa loob ng isa o dalawang bus ng SC sa harapan ng provincial gym kung
saan sasailalim sa naturang proseso ang naturang bilang ng mga preso
Matapos naman ang
proseso, malaki ang posibilidad na mababasura na ang mga kaso ng naturang
bilang na preso at mapalalaya sila sa loob ng lalong madaling panahon.
Inaasahan din na
magbibigay daan ang EJOW sa pagbabagong buhay ng mga lalayang preso
Sasaksi sa aktibidad
ang mga opisyal ng Provincial Government of Cotabato sa pangunguna nina Gov.
Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at Vice Gov. Greg Ipong kasama ang Sangguniang
Panlalawigan ng Cotabato.
Kasama rin sa EJOW
ang mga municipal mayors at vice mayors mula sa 17 bayan at nag-iisang lungsod
ng Kidapawan, Parole and Probation Officers, Court Judges and Personnel
kabilang ang Shari’a Courts, Provincial at City Prosecutors, Public Attorney
Office lawyers, Integrated Bar of the Philippines North Cotabato Chapter,
Chiefs of Police ng mga Municipal at City Police Stations.
Makikiisa rin sa
programa ang mga personnel mula sa Provincial at Municipal Social Welfare and
Development Offices, mga representante mula sa academe, non-government
organizations at peoples organizations at ang media.
Gagawin din ang
pagsunog ng mga ebidensiya laban sa mga mapapalayang preso bilang simbolo na
sila ay napatawad na at tuluyan ng magiging malaya.
Maliban naman sa
mobile court hearings at court annexed mediation, gagawin din ang Information
Dissemination through a Dialogue between Provincial Government Officials at
Provincial at Municipal Court Officials.
Matapos nito ay
susunod ang jail visitation sa Cotabato District Jail kung saan magsasagawa ng
free medical-dental service at legal aid para sa mga inmates.
Susundan ito ng isa
pang dayalogo sa pagitan ng Supreme Court Officials at Pillars of Criminal
Justice System na gagawin sa Provincial Capitol Rooftop.
Pinakahuling bahagi
ng programa ay ang gagawing team-building activity sa pagitan ng mga municipal
at city trial court personnel.
Ang Enhanced Justice
On Wheels o EJOW ay programa ng Supreme Court na naglalayong bigyan ng mabilis
na desisyon at resolusyon ang mga nakabinbing kaso ng mga preso na hindi na
umuusad sa loob ng mahabang panahon.
Paraan din ito ng SC
upang mabawasan ang bilang ng mga preso sa mga district jails sa iba’t-ibang
bahagi ng bansa kabilang ang Cot. District Jail na ang kapasidad ay mula
300-400 preso ngunit sa kasalukuyan ay humigit-kumulang na sa 800 ang mga
nakapiit doon. (JIMMY STA. CRUZ/PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento