(Makilala, cotabato/ September 23, 2014) ---Matapos
na magdeklara ng State of Calamity ang bayan ng Makilala makaraang sinalanta ng
lindol, agad namang namigay ngayon ng tulong ang LGU Makilala sa mahigit sa
isang libung residente na naapektuhan nito.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Makilala
Administrator Gerry Rigonan.
Aniya umaabot sa 123 ang mga kabahayan na
nasira dahil sa nasabing lindol.
Nabatid na
pito sa mga barangay ng nasabing bayan ang apektado ng mga paglindol na
kinabibilangan ng Brgy Luayon, Sto. Nino, Villaflores, New Baguio, Wangan, Luna
Norte at Bato.
Nagkabitak-bitak
din ang ilang mga kalsada, paaralan, tulay, simbahan at mga tanggapan ng
gobyerno.
Sinabi ni
Kidapawan City Phivolcs chief Engr. Hermes Daquipa na maraming beses na ang
naraRAmdamang pagyanig sa bayan ng Makilala at Kidapawan City, habang halos 500
naman ang naitatalang mga aftershocks.
Dahil sa
pinsala ng lindol isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Makilala
alinsunod sa desisyon ng Municipal DIsaster Risk Reduction and Management
Office (MDRRMO), sangguniang bayan at tanggapan ng alkalde.
Agad namang
nagpaabot ng tulong si Cotabato Governor Emmylou "Lala" Talino
Mendoza at LGU Makilala sa mga biktima ng lindol. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento