Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mataas na opisyal ng Rehiyon, suportado ang impeachment laban kay Chief Justice Corona

(Kabacan/December 16, 2011) --- Maging si Philippine Information Agency o PIA-12 Regional Director Olivia Sudaria ay suportado ang pagsulong ng impeachment kay chief Justice Renato Corona.

Aniya, maging ang alakalde ng Koronadal city na si Mayor Peter Miguel at Bishop ng Diocese of Marbel ay suportado rin si Pangulong Aquino sa nasabing hakbang sa pagpapatalsik sa punong mahistrado.

Ito ang naging pahayag ng opisyal upang magkaroon umano ng tinatawag na “consciousness” lalo ang mga taga-gobyerno, para maging maingat na rin sa paggawa ng karumal dumal o kaya’y anumang anomalya sa pamahalaan.

Dagdag pa ng Director na isa lamang ito sa mga paglilinis ng Pangulong Pinoy na linisin ang pamahalaan.

Bagama’t ang tatlong sangay ng gobyerno ay pantay-pantay subalit dapat din umanong siyasatin kung anung sangay din nito ang nagkakamali at baguhin ang imahe.

Giit pa nito na sensero ang kasalukuyang administrasyon na linisin at baguhin ang imahe ng gobyerno buhat na rin sa mga lumalabas na rating ng Pangulo.
Ikinumpara pa ni Sudaria ang trust rating ni Pnoy na 74% kumpara kay Supreme court Justice Corona na 30% lamang.
Ibig sabihin bawat sampung Pilipino ay pinaniniwalaan si Pnoy. (Rhoderick Beñez)

Bonuses ng mga empleyado ng USM matatanggap na

(USM, Kabacan/December 15, 2011) --- Posible umanong matatanggap na sa susunod na biente kwatro oras ng mga kawani ng University of Southern Mindanao ang kanilang mga bonuses na nagkakahalaga ng P11,500.00 para sa mga permanent habang P3,000.00 para sa mga Contractual at Job Order maliban sa mga mayroong external fund at yung mayroong cash advance mula sa Fund 161 at Fund 164.

Ito ang sinabi ni USM Director for Finance Management and Services Dr. Francisco Gil “Iko” Garcia sa panayam ng radyo ng Bayan ngayong hapon kasabay na rin ng Christmas Party ng mga faculty and Staff ng USM na isinasagawa na USM Gymnasium.

Sa nasabing aktibidad, agaw pansin ang iba’t-ibang talent ng mga faculty and Staff sa pagsayaw, pagkanta at maging sa mga pag-drama.

Tampok din ang salu-salu sa Pamantasan ng lahat ng mga Units and Colleges sa pamantasan. (Rhoderick Beñez)

Diumanoy di lehitimong kasapi na LTO na nanghuhuli sa daan, pinabulaan

May deputation order umano na galing sa Region 12 na pirmado ni Land Transportation Director Arlan Mangelen ang mga deputized agent na nanghuhuli sa mga lumalabag sa RA. 4136 o mas kilala sa tawag na traffic rules sa National Highway ng Kabacan.

Ito ang kalatas na dinala mismo ni Eddie Waguia ang LTO agent ng Kabacan sa DXVL FM makaraang inireport na may tatlo diumanong nagpapanggap na kasapi ng LTO.

Aniya, ang mga umiistambay sa erya kasama ang mga LTO ay mga nahuli nila at hindi sila LTO agent.

Nang tanungin kung gaanu katotoo ang talamak na kotong sa National Highway partikular sa bayan ng Kabacan, pinabulaanan naman ni Waguia ang naturang paratang.

Inihayag pa ng LTO agent na tatlong beses isinasagawa nila ang kanilang operasyon sa isang linggo sa mga Highway.

Bawal din sa kanila ang maglabas kapag walang order at dapat ay kasama ang mga taga- Provincial treasurer’s Office.

Kaugnay nito may mahigpit namang ipinagbabawal ang pagsakay sa bata sa harap ng single motorcycle.

Pinaalalahanan din nito ang mga motorist na magsuot ng helemet para din sa sariling seguridad. (RB ng Bayan)

Mga Nursing students mula sa bayan ng Pikit, biktima ng Robbery/hold-up sa van naganap sa bayan ng Pikit, N Cotabato

Abot sa 15thousand na cash at mga gamit ang nilimas ng mga ‘di kilalang hold-upper ang cash at iba pang gamit ng mga pasahero ng D4D passenger van na may plakang MVZ 182 at biyaheng Midsayap-Pikit, alas-645 kagabi.

Ayon sa report ng Pikit PNP, sumakay sa may highway sa Midsayap ang dalawang mga lalaki at nagsabing bababa sila sa Pikit.

Pero pagsapit ng van sa may Barangay Batulawan, sa bayan ng Pikit, agad nagdeklara ng hold-up ang mga suspect.

Inutusan pa umano ng mga suspect ang van driver na ipasok sa loob ng Batulawan Elementary School ang sasakyan at doon isa-isang nilimas nila ang mga cash at gamit ng mga pasahero na nagkakahalaga ng P15 thousand.
Karamihan sa mga sakay ng van ay mga Nursing students na mga residente ng Pikit. 


“Kapagengaya sa Hadiyah” tampok sa gagawing Christmas Party ng USM

Dadaluhan mismo ng first couple ng probinsiya na sina congressman Raymund Mendoza at Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang Christmas Party ng University of Southern Mindanao na gaganapin sa University Learning Resource Center, USM-Main Campus, Kabacan, cotabato alas 7:30 hanggang alas 3:00 ng hapon bukas.

Ang nasabing Christmas Party ay pinamagatang “Kapagengaya Sa Hadiyah” isang Maguindanaoan Term na ang ibig sabihin ay ang Giving festival.

Ang nasabing aktibidad ay dadaluhan din mismo ng mga academic at non-academic units ng Pamantasan.

Kabilang din sa mga patimpalak na gagawin ay ang sumusunod:
On the spot christmass Tree Making, Dressing Santa Claus, Live Belen, Christmas Lantern Contest at Talentadong USMians 2011.

Mga diumano’y di lihetimong kasapi ng LTO, nanguna sa isinagawang highway inspection sa Highway ng Kabacan; mga motorisata umalma
(Kabacan/December 14, 2011) --- Nirereklamo ngayon ng ilang mga motorista ang ginagawang panghuhuli ng diumano’y mga kasapi ng Land transportation Office sa National Highway ng Kabacan.
Ang sumbong ay ipinarating ng mga nagrereklamo dahil ang mga nanghuhuli ay di lehitimong kasapi ng LTO Kabacan District.
Kaya naman, agad na idinulog ng DXVL-Radyo ng Bayan ang nasabing reklamo sa mismong LTO District Head ng Kabacan na si Datu Candidato “Andy” Batocapal, Al-haj.
Sa panayam, sinabi nitong may deriktiba silang natanggap mula sa Region upang magsagawa ng inspection sa mga AOr na sakop nila ngayong buong buwan ng Disyembre.
Hindi rin umano alam ni Batocapal ang modus ng mga tauhan nito sa erya na may tatlo katao na nagpapanggap na LTO suot ang damit ng LTO at pumapara pa sa daan.
Nang aming pangalanan, tumanggi naman ihayag ng opisyal dahil di pa daw niya ito kilala at bago pa lamang itong itinalaga bilang head ng LTO sa Kabacan.
Simula kahapon ay may ginagawang inspeksiyon sa Highway ang mga ito, ngayong hapon lamang ay nasa erya sila ng Katidtuan kungsaan abot hanggang Osias ang mga sasakyang pumipila.
Kung matatandaan nakarating kasi sa Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato ang report na talamak ang kotong sa highway ng North cotabato, partikular ditto sa bayan ng Kabacan.
Ito ang nag-udyok kay Cotabato 1st district Board Member Eliseo Garcesa, Jr., na magpasa ng resolusyon para imbestigahan sa isang question hour ang mga district head ng Land Transportation sa probinsiya.
Kung kaya’t isinalang sa isang question hour ang mga LTO district head ng probinsiya.
Base sa mga ulat na nakarating kay Garcesa, may mga aregluhan umano sa highway kapag may hulihang nangyayari na mahigpit namang ipinagbabawal sa batas ng trapiko.

Ang bayaran sa mga penalidad dapat sa opisina ng Land Transportation nangyayari.

Inirereklamo din ang pagiging ‘arogante’ at garapalan ng mga traffic enforcers, ayon kay Board Member Garcesa.
(insert tape Batocapal) si Kabacan LTO District head Datu Candidato “Andy Batocapal, Al Haj sa panayam ng Radyo ng Bayan

Pagpapaputok ng mga malalakas na firecrackers ngayong pasko at pagsalubong ng bagong taon, mahigpit na ipinagbabawal ng Kabacan PNP

(Kabacan/December 14, 2011) --- Labinpitong araw bago sasapit ang bagong taon habang 11 araw naman simula ngayon ay magpapasko na, mahigpit namang nagbabala ang Kabacan PNP sa publiko na iwasan ang pagpapaputok ng mga malalakas na uri ng firecrackers.

Ayon kay P/Supt. Joseph Semillano na kabilang sa mga paputok na ito ay ang Pla-pla, Sawa at ilan pang mga malalakas na firecrackers.

Dagdag pa ng opisyal na may itinalaga na silang  erya kungsaan pwedeng magbenta ng mga paputok, ito ay sa harap ng Kabacan Pilot School at bawal na rin ang magbenta ng mga firecrackers sa Public market, base sa Executive order na ipinalabas ni Mayor George Tan.

Samantala, sinabi naman ni Semillano na sa hanay ng mga pulisya at militar ay mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon at pasko kungsaan ay sisilyuhan naman ang lahat ng mga baril upang malaman kung sinu ang lumalabag sa nasabing deriktiba.

Samantala, may paalala naman ang opisyal sa publiko na mag-ingat sa mga taong mapagsamantala.

Wag lang basta-bastang magdisplay ng inyung mga mahahalagang gamit upang di mabigyan ng opurtunidad ang mga magnanakaw.

Siguraduhin ding, naka-lock ang inyung mga boarding houses o pamamahay bago umalis.

Mga magsasaka ng goma sa North Cotabato, nababahala sa bumababang presyo

BUWAN pa lang ng Oktubre nitong taon, bumaba na sa P47 ang kada kilo ng goma sa North Cotabato.

Mas lalo pa raw ito’ng bumaba sa P38 kada kilo, ayon sa grupong, Free Tappers Federation – North Cotabato.

Katwiran ng mga negosyante ng goma, bumaba ang presyo ng produkto sa pandaigdigang pamilihan, kaya naman mababa din ang bili nila ng goma sa mga magsasaka sa North Cotabato.

Pero hindi makatuwiran, ayon sa Free Tappers Federation, na bilihin ng mga negosyante sa halos kakarampot na lang ang kanilang mga produkto.

Pero ang tanong nila, dapat bang akuin nila ang responsibilidad ng mga negosyante? 

Bakit raw tuwing may pagbaba sa presyo ng goma sa world market, sila na maliliit na magsasaka ang Kawawa.

Ayon sa grupo, naalarma na sila dahil tiyak raw na apektado ang kanilang ikinabubuhay sa tuluy-tuloy na pagbaba ng presyo ng goma.

Kaya panawagan ng grupo sa Department of Agriculture at sa ibang ahensiya ng gubyerno na tingnan ang sitwasyon ng industriya ng goma sa North Cotabato, lalo na ang sektor ng mga magsasaka.

(update) Mga otoridad may lead na sa kung sinu ang suspek sa panibagong shooting incident sa Kabacan kagabi

(Kabacan/December 13, 2011) --- Kasamahan din umano ng biktima ang mga suspek na bumaril sa isang Alyas Banjo bao mag alas 8:00 kagabi sa Tomas Cladio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa pulisya dalawa umano katao ang tinuturong suspek sa nasabing pamamaril.

Nagkaroon umano ng di pagkakaintindihan sa kanilang napagkasunduan, ayon sa report.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang biktima sa isang ospital ditto sa bayan ng Kabacan habang malubha naman ang tinamo bnitong sugat.

Lumalabas sa imbestigasyon na si “alias Banjo” ay isang wanted na personahe at pinaghahanap sa batas dahil sa mga kasong kinasasangkutan nito.

Kabilang na dito ang hold-up, drug pushing at using partikular sa Purok Chrislam, na siyang itinuturong pugad ng illegal na droga dito sa bayan.

Ito ay matapos na marekober ng mga element ng Kabacan PNP ang ilang mga drug paraphernalias mula sa pinangyarihan ng insedente.

Sa ngayon ay inaalam na ng mga otoridad ang ilan pang mga pending na kaso nito. (Rhoderick Beñez)

Kabacan PNP naka-double alert na ngayong paparating na Pasko at pagsalubong ng bagong taon

(Kabacan/December 13, 2011) --- Tiniyak ng pamunuan ng Kabacan PNP ang seguridad sa buong erya ng bayan ng Kabacan ngayong papalapit ang kapaskuhan at pagsalubong ng bagong.

Ito ang sinabi ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP kungsaan  ngayon pa lamang ay naka-double alert na ang kanilang tanggapan.

Aminado kasi ang opisyal na sa tuwing gugunitain ang kapaskuhan ay tumataas naman ang mga crime incidence partikular na dito ang crimes against property.

Kaugnay nito, inihayag pa ni Semillano na mag-dedeploy ito ng kanyang mga tauhan sa mga crime prone areas kagaya ng Business Center, Public Market at maging sa terminal.

Dagdag pa nito na nag-coconduct naman sila ng mga check points sa National Highway kungsaan che-ni-check din nila ang mga Buses upang maiwasan ang anumang mga kahalintulad na krimen.

Pinayuhan din nito ang mga buses na wag mag-pick up sa National Highway ng mga pasahero upang maiwasan din ang mga masasamang loob na maghahasik ng karahasan sa lugar. (Rhoderick Beñez)

Isang wanted na personahe, kritikal makaraang pagbabarilin sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan/December 13, 2011) --- Kritikal ngayon ang isang alyas Banjo makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga salarin alas 7:45 kagabi sa may Tomas Cladio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
 
Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP, sa pamumuno ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan MPS ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at sa kanang bahagi ng kanyang kamay gamit ang .45 na pistol base sa mga ebedensiya na narekober sa crime scene.

Lumalabas sa imbestigasyon na si “alias Banjo” ay isang wanted na personahe at pinaghahanap sa batas dahil sa mga kasong kinasasangkutan nito.

Kabilang na dito ang hold-up, drug pushing at using partikular sa Purok Chrislam, na siyang itinuturong pugad ng illegal na droga dito sa bayan.

Narekober din ng mga pulisya mula sa pinangyarihan ng insedente ang ilang mga drug paraphernalia’s.

Agad namang isinugod ang biktima sa Kabacan Medical Specialist ng mga rumispondeng kapulisan kungsaan kritikal ito hanggang ngayon.

Agad namang isinagawa ang hot pursuit operation sa erya at patuloy ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.(Rhodz Benez)

Mataas na opisyal ng militar nag-paabot ng kanyang pagbati ngayong kapaskuhan sa mga mamamayan

(Kabacan/ December 13) --- Tiniyak ngayon ni Commanding Officer ng 602nd Brigade Colonel Ceasar Sedillo ng Philippine Army na patuloy na naka-alerto ang kanyang pamunuan kahit pa man panahon ng kapaskuhan.
Giit ng opisyal na ipinapatupad naman nila ang kanilang mga usual security measures para tiyaking maging matahimik ang pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.

Una dito nagpaabot naman ng kanyang personal na pagbati para sa mga mamamayan si Col. Sedillo sa pamamagitan ng DXVL – Radyo ng Bayan.
Umaasa ito na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng taong bayan ay masasawata ang anumang mga krimen.
Sa kanyang pagbati, pinahayag nito ang maligayang pasko at masaganang bagong taon.

Nang tanungin naman ang opisyal hinggil sa update sa pagkakadukot sa kamag-anak ni Mayor Loreto Cabaya ng Aleosan, sinabi nitong patuloy namang tumutulong ang kanyang pamunuan para sa agarang pagpapalaya kay Romy Cabaya bagama’t may naitatag naman Local Crisis Committee sa erya.

Kung matatandaan dinukot ang binatilyong si Cabaya noong Nobyembre a-19 ng madaling araw sa brgy. Dualing habang papauwi galling ng bayan ng Midsayap.


Estudyante, ninakawan ng Laptop

(Kabacan/December 12, 2011) --- Nilooban kahapon ang boarding house ng isang mag-aaral ng University of Southern Mindanao sa Villanueva Subdivision, Kabacan, Cotabato kagabi.

Nakilala ang biktima na si Rolaine Jay Eladia, labing walong taong gulang, 3rd year student ng USM.

Sa report, tinangay umano ng mga magnanakaw ang kanyang kulay itim na Compaq laptop na nakalagay umano sa kama ng kanyang kapatid, nakapasok di umano ang mga magnanakaw sa pamamagitan ng pagsira ng padlock ng kanilang kwarto.

Patuloy parin ang imbistigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.


Mga residente ng Kabacan, inabangan ang huling Lunar Eclipse ngayong taon

(Kabacan/December 12) --- May dala umanong swerte sa buhay pag-ibig ang huling lunar eclipse ngayong taon, ito para kay Vanea Cuenca, estudyante ng USM, ang nasaksihan nitong lunar eclipse noong gabi ng Sabado.
Bagama’t sa kasalukuyan ay wala siyang kasintahan, positibo naman ang dalaga na bago matapos ang taon ay makakatagpo ito ng lalaking magmamahal sa kanya.
Samantala, ilan ding estudyante at maging faculty ng University of Southern Mindanao ang nag-abang sa nasabing lunar eclipse.
Marami din sa mga residente ng Kabacan kasama na ang mga star gazer ang nag-abang dito kungsaan pinagkakaguluhan din ang eclipse partikular na ng mga magsing-irog na nagsumpaan ng pag-ibig habang minamasdan ang kakaibang pangyayari sa papawirin.
Sa Matalam, North Cotabato at Kidapawan ay nasiksihan din daw ito ng mga residente.
 Sinabi ni Pagasa observatory chief Mario Raymundo, maliwanag na nakita ang nasabing lunar eclipse dahil maaliwalas na ang panahon sa pagsisimula pa lang ng penumbral shadow ganap na 7:33 ng gabi.
Naitala naman ang umpisa ng partial eclipse sa oras na 8:45; ang greatest eclipse ay 10:31; natapos ang partiality appearance 12:17 ng madaling araw, habang ang katapusan ng buong penumbral shadow ay 1:30 ng madaling araw.
Bukod sa Pilipinas, malinaw din itong nakita sa Hawaii, Australia, iba pang bahagi ng Asya, Eastern Africa at Eastern Europe. (Rhoderick Beñez)

Bangkay natagpuang palutang-lutang Pulangi river na nasa Brgy. Nangaan

(Kabacan/December 12, 2011) --- Tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang tiyan mula sa di malamang uri ng baril at pinagtataga pa sa leeg ang bangkay na natagpuang palutang-lutang sa Pulangi river na nasa brgy. 
Pedtad, Kabacan, Cotabato, noong umaga ng Sabado.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, ang biktima ay nakilala sa pangalang Kharudin Alamada, nasa tamang edad, may asawa at driver ng habal-habal at residente ng Sitio Melara, Nangaan.

Ang patay na katawan ni Alamada ay natagpuan ng isang magsasakang si Teo Lintuan, residente ng Sitio Klasang ng brgy. Nangaan habang hinahatak nito ang fish net mula sa ilog ng makita nitong may sugatang bangkay na palutang-lutang sa ilog.

Dahil sa di familiar sa kanya ang itsura ng biktima, agad nitong inireport sa kanilang brgy. para maipabatid din sa mga pulisya.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, posibleng bago pa lang pinatay ang biktima ng makita ito dahil sa sariwa pa umano ang mga sugat nito sa katawan.

Sa impormasyong ipinarating ng brgy. official ng Nangaan, noon pang December 8 umano umalis ang biktima sa kanilang bahay sakay sa isang improvised motorized hauler o mas kilala sa tawag na “Kuliglig” para mangolekta, pero di na ito nakabalik sa kanilang tahanan.

Inaalaman na ngayon ng mga otoridad kung anu ang motibo sa pagkamatay ng nasabing biktima. (Rhoderick Beñez)