Setyembre a-uno, isang special non-working holiday sa lalawigan ng Cotabato
Walang pasok sa mga eskwelahan at tanggapan ng pamahalaan sa Setyembre a-uno, araw ng kapistahan ng pagkakatatag ng lalawigan sapagkat ito’y opisyal nang ideneklara bilang isang special non-working holiday ng palasyo ng Malacañang.
Batay sa Proclamation No. 241 na nilagdaan para sa Pangulo ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. noong ika-dise nuwebe ng Agosto taong kasalukuyan, espesyal ang September 1 para sa mga tiga Cotabato province at karapatdapat lamang na sila ay mabigyan ng pagkakataon na makibahagi sa selebrasyon ng ika-siyam na pu’t pitong taong anibersaryo ng kanilang lalawigan.
Kaugnay nito, nananawagan si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa lahat ng residente ng lalawigan na saksihan ang mga aktibidad na tampok sa kapistahan ng lalawigan.
Ang Kalivungan Festival o ang selebrasyon ng anibersaryo ng probinsya ay bubuksan sa pamamagitan ng isang misa ganap na alas-otso ng umaga ngayong Biyernes, ika-dalampu’t anim ng Agosto. //ozg/idcd-pgo//