Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


Setyembre a-uno, isang special non-working holiday sa lalawigan ng Cotabato

            Walang pasok sa mga eskwelahan at tanggapan ng pamahalaan sa Setyembre a-uno, araw ng kapistahan ng pagkakatatag ng lalawigan sapagkat ito’y opisyal nang ideneklara bilang isang special non-working holiday ng palasyo ng Malacañang.

            Batay sa Proclamation No. 241 na nilagdaan para sa Pangulo ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. noong ika-dise nuwebe ng Agosto taong kasalukuyan, espesyal ang September 1 para sa mga tiga Cotabato province at karapatdapat lamang na sila ay mabigyan ng pagkakataon na makibahagi sa selebrasyon ng ika-siyam na pu’t pitong taong anibersaryo ng kanilang lalawigan. 
           
            Kaugnay nito, nananawagan si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa lahat ng residente ng lalawigan na saksihan ang mga aktibidad na tampok sa kapistahan ng lalawigan.

            Ang Kalivungan Festival o ang selebrasyon ng anibersaryo ng probinsya ay bubuksan sa pamamagitan ng isang misa ganap na alas-otso ng umaga ngayong Biyernes, ika-dalampu’t anim ng Agosto.  //ozg/idcd-pgo//

0 comments:

Mag-post ng isang Komento