Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalo patay sa BIFF

(Maguindanao/ October 3, 2014) ---Namimili lamang ng prutas sa palengke ang isang off-duty na sundalo nang tambangan mula sa likuran ng mga miyembro ng bandidong grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kahapon sa Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Cpl. Macapeges Mamangcua na kabilang sa 33rd Infantry Battalion ng militar.

27-anyos, nag suicide sa loob ng RHU ng Matalam, Cotabato

(Matalam, Cotabato/ October 2, 2014) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 27-anyos na lalaki makaraang magbigti dahil sa pinaniniwalaang kasawian sa pag-ibig at matinding problema sa buhay kaya nagpakamatay sa loob ng Matalam Rural Health Center sa bayan ng Matalam, Cotabato.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Reynel Egaran na mas kilala sa tawag na “Bmbon”, 27-anyos, binata, isang tubero ng Rural Health Center at residente ng Baguer, Libungan, Cotabato.

Van hinoldap sa Carmen, Cotabato; Drayber, konduktor; pinatay

(Carmen, North Cotabato/ October 2, 2014) ---Napatay ang driver at konductor ng pampasaherong van matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa bahagi ng Upian Bridge sa Barangay Kimadzel, bayan ng Carmen, North Cotabato kagabi. 

Kinilala ni PO1 Jesus Necessito ang mga napatay na sina Ricky Patricino, drayber; at Albo Lintag, 40, konduktor, mga nakatira sa Cagayan de Oro City. 

Daan-daang mga Matatanda, dumalo sa selebrasyon ng Senior Citizen week sa bayan Mlang

By: Ma. Cristine Limos

(Mlang, Cotabato/ October 2, 2014) ---Daan-daang matatanda galing sa tatlumput pitong baranggay ng Mlang ang dumalo sa selebrasyon ng Senior citizen's week kung saan naging highlight ng selebrasyon ang parada noong Miyerkules ng umaga.

Binigyang-diin ni Mayor Joselito Piñol sa kanyang mensahe sa harap ng daan-daang senior citizen na malaki ang kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng Mlang sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng bayan.

Founder ng USM, matindi ang pagpapahalaga sa edukasyon –ayon sa grand daughter

Photo credit by: William dela Torre
(USM, Kabacan, Cotabato/ October 2, 2014) ---Matindi ang pagpapahalaga sa edukasyon ng nagtatag ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Ito ang ilan sa reaksiyon ni Dr. Khaironesa Pahm  ang grand daughter ng USM founder na si Bai Hadja Matabay Plang sa panayam ng DXVL News sa isinagawang floral offering at kanduli sa marker ng founder kahapon ng umaga.

Cotabato Province, isinailalim na sa State of Calamity

(Amas, Kidapawan City/ October 2, 2014) ---Maaari nang gamitin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC ang kanilang quick response fund matapos na inilagay sa state of Calamity ang lalawigan.

Dahil dito maaari ng mabigyan ng karagdagang tulong ang mga pamilyang biktima ng lindol noong September 20.

Panibagong biktima dala ng kumplikasyon dahil sa tigdas, naitala sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 2Binawin ng buhay ang isang sanggol dahil sa kumplikasyon ng sakit na tigdas ditto sa bayan ng Kabacan Sityembre a24 nong nakaraan linggo lamang.

Kinilala ng RHU Kabacan, Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ang biktima na si Monisa Singgon, walong buwang gulang na sanggol at residente ng Sitio Nasag, Brgy. Kilagasan Kabacan Cot.

5, patay; 117 kaso ng tigdas, naitala ng RHU Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ October 2, 2014) ---Abot na sa lima ang bilang ng mga nasawi dahil sa measles habang 117 naman na kaso nito ang naitala ng Rural Health Unit ng Kabacan sa ikatlong quarter ng taon.

Ayon kay disease surveillance coordinator Honey Joy Cabellon na ang mga namatay sa tigdas ay buhat sa barangay Pisan, Nangaan at Kilagasan.

USM may bagong 8 mga chemists

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 2, 2014) ---May walong mg bagong chemists ang University of Southern Mindanao, makaraang inilabas kagabi ng Professional Regulation Commission o PRC ang resulta ng katatapos na Chemist Licensure Examination na isinagawa sa Manila niotng nakaraang Setyembre 2014.

Ayon sa official website ng PRC, walo ang pumasa sa nasabing eksaminasyon sa USM buhat sa 17 mga kumuha ng exam.

Gov. Mendoza, suportado ang mga programa ng USM, mananatiling loyal partner ng pamantasan

By: Ma. Cristine Castronuevo Limos

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 2, 2014) ---Iginiit ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Taliño Mendoza na patuloy nitong suportahan ang pagpapalakas ng unibersidad sa larangan ng de kalildad na edukasyon.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa harap ng mga key officials ng USM, retirees, alumni, bisita, mga guro at libu-libung mag-aaral ng USM sa isinagawang convocation program sa USM quadrangle, USM compound, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Sa talumpati ng gobernadora sinabi nito na siya at ang kanyang mga kasama sa gobyerno ay mananatiling loyal partner ng USM.

USM, magdiriwang ng kanyang ika-62nd founding anniversary ngayong araw

(USM, Kabacan, Cotabato/ October 1, 2014) ---Ipagdiriwang ng University of Southern Mindanao ang ika-62nd Founding Anniversary nito, ngayong araw.

Batay sa opisyal na programa na inilbas ng Pamantasan, isinagawa ngayong umaga ang Street at Float Parade kasabay ng Floral offering sa bantayag ni Honorable founder Bai Matabay Plang.

8 kasapi ng Acetylene Gang, arestado sa Tacurong City

(North Cotabato/ October 1, 2014) ---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Tacurong City PNP, Surallah PNP at ng South Cotabato Provincial Police Office ang walong miyembro ng Acetylene Gang sa Purok Waya-Waya, Barangay San Emmanuel, Tacurong City kaninang alas-3:00 ng hapon.

Kinilala ang mga nahuli na sina Palong Panes, 43, taga-Ilocos Sur; Christopher Dayao,23, taga-La Trinidad, Benguet; Richard Payas, Tarlac; Jonathan Habradilla, 31, taga-Baguio;Dario Payoyo,31, Benguet; Elvis Lawig, 52, Mt. Province; Allan Diwan, 28, Isabela; at Jhonny Ramos, 35, Bisao, Quirino.

3 sekyu ng hospital, sugatan sa pamamaril

(Cotabato City/ October 1, 2014) ---Tatlong mga security guards ang naiulat na nasugatan sa nangyaring pamamaril sa Cotabato Regional Medical Center o CRMC matapos paulanan ng bala ng mga suspek na riding in tandem.

Sinabi ni Cotabato City Police Station 2 commander Sr. Insp. Reynaldo Delantin na nangyari ang insidente pasado alas otso kagabi.

Drayber, itinumba!

(Cotabato City/ September 29, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang drayber sa bahagi ng Salamat Street Mother Barangay Poblacion, Cotabato City dakong 2:20 ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktimang si Menso Fermin Pusdan 32 anyos, isang driver at residente ng Balut Sultan Mastura Maguindanao.

Mag-asawa pisak sa truck

Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawang lulan ng motorsiklo matapos mahagip ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay ang mag-asawang Danilo Gomez Pequit, 37; at Lilibeth Pequit na kapwa nakatira sa Barangay Saguing sa nasabing bayan.

2 sundalo, itinumba sa simbahan!

(Maguindanao/ October 1, 2014) ---Hindi na nirespeto ng mga suspek ang kasagraduhan ng simbahan makaraang pagbabarilin ng mga ito hanggang sa mapatay ang dalawang sundalo sa harap ng simbahan sa Datu Piang, Maguindanao alas 9:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa ulat ni PInps. Ronald Cuntong, hepe ng Pulisya sa lugar na kinilala ang mga biktima na sina PFC Rex Limpahan at PFC Edward Baes kapwa mga elemento ng 62nd Division Recon Company na nakabase sa Brgy. Damablas, Datu Piang.

Inabandonang motorsiklo, nagdulot ng bomb scare sa Kabacan, kagabi!

(Kabacan, Cotabato/ October 1, 2014) ---Nagdulot ng bomb scare ang inabandonang motorsiko sa bahagi ng Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:40 kagabi.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP isang concern citizen ang nag report sa kanila na may inabandonang sasakyan sa nasabing lugar.

Industrial Crops Development Program, Isinusulong ng OPA

By: Ruel L. Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ September 29, 2014) ---Bilang bahagi ng Industrial Crops Development Program ng lalawigan ng Cotabato, namahagi kamakailan ng 20,400 piraso ng budded rubber seedlings ang Office of the Provincial Agriculturist para sa 51 farmer beneficiaries sa Aleosan, Cotabato. 

Sa pamamgitan nito, inaasahang lalawak pa ang lupaing matatamnan ng rubber at tataas pa ang produksiyon ng latex dito sa lalawigan na makapagbibigay ng susutainable income sa mga magsasaka.

32-anyos na lalaki, inaresto dahil sa kasong estafa sa Carmen, Cotabato

(Carmen, Cotabato/ September 29, 2014) ---Arestado ang isang 32-anyos na negosyante dahil sa kinakaharap na kasong estafa sa mismong bahay nito sa Purok 3, Poblacion, Carmen, Cotabato alas 8:00 kahapon ng umaga.

Sa report ng Carmen PNP kinilala ang nahuli na si Gerard Badong, residente ng nasabing lugar.

Ang warrant of arrest ay isinilbi kay Badong ng mga pulis na inisyu ni 3rd Municipal Circuit court Kabacan-Carmen ni Hon. Judge Charlito Untal de-Guzman.

TMU Head ng LGU Kabacan, nirereklamo sa diumano’y pambubugbog nito

(Kabacan, Cotabato/ September 29, 2014) ---Inireklamo ng isang ginang ang Traffic Management Unit Head ng LGU Kabacan dahil sa diumano’y pambubugbog sa mismong anak nito.

Batay sa affidavit complaint ni Luzviminda Ladasan, 51-anyos , may asawa at residente ng 1355 Mercado St., Poblacion, Kabacan, Cotabato na alas 5:00 ng hapon noong September 26 ng binugbog umano at tinalian pa ng tie-wire sa kamay ng grupo ni Ret. Col. Antonio Peralta kasama ang limang mga kasamahan nito ang kanyang Anak na si Cosain Lala Landasan at dinala sa Kabacan Municipal Police Station.

1 patay, 1 sugatan sa muling pagsiklab ng engkwentro sa hangganan ng Matalam at Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ September 29, 2014) ---Isa ang naiulat na namatay habang isa ang sugatan sa muling pagsiklab ng engkwentro ng pangkat ng armadong grupo at mga magsasaka sa sakahan ng Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, na naghahanda umano ng kanilang sakahan ang mga magsasaka sa nasabing lugar ng paputukan ang mga ito ng mga armadong grupo na buhat sa brgy. Cuyapon, Kabacan.

Biktima sa panibagong pamamaril sa Matalam, Cotabato; di pa tukoy ang pagkakakilanlan

(Matalam, Cotabato/ September 25, 2014) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng Matalam PNP ang pagkakakilanlan ng panibagong biktima ng pamamaril sa bisinidad ng Purok Krislam, Poblacion, Matalam, Cotabato nitong gabi ng Miyerkules.

Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP nabatid na ang biktima ay isang lalaki na nakasuot ng kulay pulang t-shirt at may naka-imprinta ng kulay asul na titik na “WC-LEE” at nakashort pant na pang-ibaba na may stripe.

Mabagal na paggulong ng mga kaso, inamin ng isang Huwes

(Kabacan, Cotabato/ September 25, 2014) ---Aminado si Hon. Judge Laureano Alzate, presiding Judge ng Regional Trial Court RTC Branch 22 ng Kabacan na “Justice Delay, Justice Deny”.

Pero marami umano itong dahilan kung bakit minsan ay mabagal ang pag-usad ng kaso.

Ilan sa mga rason dito ay nasa seminar ang hukom, bagama’t hindi naman madalas ito, pangalawa ay ang kawalan ng piskal, defense lawyer o di kaya walang testigo kaya napapaliban ang hearing.

Abot sa 142 na mga preso sa Cotabato napalaya ng EJOW

AMAS, Kidapawan City (Sep 26) – Abot sa 142 na inmates mula sa iba’t-ibang mga district jails sa Cotabato ang pinawalang sala at tuluyan ng nakalaya matapos gawin ang Enhanced Justice on Wheels o EJOW sa Provincial Capitol kahapon, Sep 25, 2014.

Pinangunahan ni Hon. Judge Lily Lydia A. Laquindanum ng Regional Trial Court Branch 24 ng Midsayap, Cotabato at Overall Co-Chairman ng EJOW and the Increasing Access to Juctice by the Poor Program ang mobile court hearing ng mga preso.

2 mga karnapers, tiklo ng mga otoridad sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, Cotabato/ September 25, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang mga carnappers makaraang masakote ang mga ito sa isinagawang hot pursuit operasyon ng mga otoridad sa bahagi ng brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato alas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Mongkoy Guialil Pigcualan, 19-anyos, residente ng Aleosan, Cotabato at ang isa pang kasama nito na nakilalang si Bayan Mantawil, 19-anyos, residente ng Pedtad, Kabacan.