Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

TMU Head ng LGU Kabacan, nirereklamo sa diumano’y pambubugbog nito

(Kabacan, Cotabato/ September 29, 2014) ---Inireklamo ng isang ginang ang Traffic Management Unit Head ng LGU Kabacan dahil sa diumano’y pambubugbog sa mismong anak nito.

Batay sa affidavit complaint ni Luzviminda Ladasan, 51-anyos , may asawa at residente ng 1355 Mercado St., Poblacion, Kabacan, Cotabato na alas 5:00 ng hapon noong September 26 ng binugbog umano at tinalian pa ng tie-wire sa kamay ng grupo ni Ret. Col. Antonio Peralta kasama ang limang mga kasamahan nito ang kanyang Anak na si Cosain Lala Landasan at dinala sa Kabacan Municipal Police Station.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente ay may nakasapakan na umano ang batang Ladasan sa isang bahay inuman sa USM Avenue hanggang sa magwala ito at naging dahilan ng abala sa daan.

Kaya dinala ito sa presinto.

Nang malaman ni ginang Luzviminda na nasa Kabacan PNP ang anak, agad na tinungo nito at doon nakita nitong binugbog at duguan ang anak.

Agad namang dinala nito sa USM Hospital ang bata kasama ang Kabacan PNP para isailalim ng medico legal.

Batay sa kanyang sworm statement ay magsasampa umano ng karampatang kaso ang pamilya Ladasan sa kampo ng Traffic Management Unit ng LGU Kabacan.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta na tahasa nitong itinanggi ang nasabing akusasyon.

Handa rin umanong sasagutin ng opisyal ang nasabing parating sa kanya hangga’t mai-file na nila sa korte ang affidavit of complaint.

Una ng sinabi ng opisyal na paninirang puri o character assassination umano ang ginagawa nito sa kanya. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento