(Amas, Kidapawan City/ October 2, 2014) ---Maaari
nang gamitin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o
PDRRMC ang kanilang quick response fund matapos na inilagay sa state of
Calamity ang lalawigan.
Dahil dito maaari ng mabigyan ng karagdagang
tulong ang mga pamilyang biktima ng lindol noong September 20.
Isinailalim na sa State of Calamity ang North
Cotabato batay sa inilabas na resulta ng sesyon ng Sangguniang Panlalawigan
nitong Martes.
Ang hakbang ay ginawa ng SP matapos ang
pinsalang iniwan ng 5.2 Magnitude na lindol sa probinsiya.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Council o PDRRMC na sampung mga barangay sa bayan ng
Makilala ang naapektohan ng lindol habang pitong barangay naman ang naapektohan
sa bayan ng Tulunan.
Sa inisyal na datos ng PDRRMC mahigit 200
pamilya, mahigit 70 totally damaged na bahay, 18 partially damaged na bahay,
ilang mga public structures tulad ng health centers, kapilya, mini-gym, bodega
at barangay hall. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento