Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Biktima sa panibagong pamamaril sa Matalam, Cotabato; di pa tukoy ang pagkakakilanlan

(Matalam, Cotabato/ September 25, 2014) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng Matalam PNP ang pagkakakilanlan ng panibagong biktima ng pamamaril sa bisinidad ng Purok Krislam, Poblacion, Matalam, Cotabato nitong gabi ng Miyerkules.

Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP nabatid na ang biktima ay isang lalaki na nakasuot ng kulay pulang t-shirt at may naka-imprinta ng kulay asul na titik na “WC-LEE” at nakashort pant na pang-ibaba na may stripe.

Inilalarawan pa ito na may taas na 5’5 hanggang 5’7 at nasa 25 hanggang 30-anyos.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang anim na basyo ng kalibre .45 na baril.

Sa ngayon ang biktima ay nasa Collado Funeral Homes ng Poblacion, Matalam.

Inaalam pa kung anu ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento