Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

27-anyos, nag suicide sa loob ng RHU ng Matalam, Cotabato

(Matalam, Cotabato/ October 2, 2014) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 27-anyos na lalaki makaraang magbigti dahil sa pinaniniwalaang kasawian sa pag-ibig at matinding problema sa buhay kaya nagpakamatay sa loob ng Matalam Rural Health Center sa bayan ng Matalam, Cotabato.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Reynel Egaran na mas kilala sa tawag na “Bmbon”, 27-anyos, binata, isang tubero ng Rural Health Center at residente ng Baguer, Libungan, Cotabato.


Batay sa inisyal na pagssisiyasat, pumasok kagabi ang biktima sa Staff room ng nasabing health center at nagbigiti gamit ang computer cord/wire nan a isinabit sa itaas ng pintuan.
Natagpuan na lamang ng mga kawani na wala ng buhay ang biktima at nakalambitin.

Malaki ang paniniwala ng Matalam PNP na problema sa buhay pag-ibig ang dahilan kung bakit kinitil nito ang kanyang buhay batay sa text messages na nakita sa cell phone nito.
Sa ngayon ang bangkay ng biktima ay nasa Collado Funeral Homes sa Poblacion ng Matalam.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento