Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Inabandonang motorsiklo, nagdulot ng bomb scare sa Kabacan, kagabi!

(Kabacan, Cotabato/ October 1, 2014) ---Nagdulot ng bomb scare ang inabandonang motorsiko sa bahagi ng Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:40 kagabi.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP isang concern citizen ang nag report sa kanila na may inabandonang sasakyan sa nasabing lugar.

Mabilis namang rumesponde ang mga otoridad kungsaan, agad na isinailalim sa pagsisiyasat ng EOD team ang naturang sasakyan.

Negatibo naman sa pampasabog ito ng inspeksyunin ng mga eod team pero narekober sa u-box ng motorsiklo ang isang kalibre .38 na revolver.

Nabatid na posibleng iniwan ng suspek ang sasakyan ng magka-aberya ito kasama ng kanyang baril ng matunugan na mahigpit ang ipinapatupad na oplan sita at operasyon kapkap bakal dito sa Kabacan.

Sa ngayon, dinala na sa himpilan ng Kabacan MPS ang nasabing sasakyan para isailalim sa masusing pagsisiyasat habang nagpapatuloy ang nasabing imbestigasyon.

Narekober ang nasabing motorsiklo na may armas habang kasagsagan ng aktibidad naman ng Pasiklaban sa loob ng USM Main campus kagabi kungsaan mahigpit na ipinapatupad ang seguridad sa palibot ng Kabacan at unibersidad.

Samantala, ngayong umaga naman ay gagawin ang 62nd founding Anniversary ng University of Southern Mindanao kungsaan si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang inaasahang panauhing tagapagsalita. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento