Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 1 sugatan sa muling pagsiklab ng engkwentro sa hangganan ng Matalam at Kabacan

(Kabacan, Cotabato/ September 29, 2014) ---Isa ang naiulat na namatay habang isa ang sugatan sa muling pagsiklab ng engkwentro ng pangkat ng armadong grupo at mga magsasaka sa sakahan ng Sitio Maligaya, Brgy. Lower Malamote, Matalam, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, na naghahanda umano ng kanilang sakahan ang mga magsasaka sa nasabing lugar ng paputukan ang mga ito ng mga armadong grupo na buhat sa brgy. Cuyapon, Kabacan.

Sa hiwalay na ulat ni Municipal Disaster Risk reduction Officer David Don Saure na nasawi ang isang Jay-ar Maganaka 28-anyos ng Lower Paatan makaraang matamaan ng bala sa nangyaring putukan sa magkabilang grupo.

Naisugod pa ang biktima sa Kabacan Medical Specialist pero, di na ito umabot pa ng buhay.

Maliban dito, sugatan din ang isang magsasaka na si Willie Tenirepe ng Lower Malamote dahil sa nangyaring engkwentro sa lugar.

Sinasabing land conflict sa hangganan ng lupain ng Kabacan at Matalam sa nasabing brgy. ang dahilan ng panibagong pagsiklab ng engkwentro.

Nagtagal din ng ilang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento