(North Cotabato/ October 1, 2014)
---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Tacurong City PNP, Surallah PNP at ng
South Cotabato Provincial Police Office ang walong miyembro ng Acetylene Gang
sa Purok Waya-Waya, Barangay San Emmanuel, Tacurong City kaninang alas-3:00 ng
hapon.
Kinilala ang mga nahuli na sina Palong
Panes, 43, taga-Ilocos Sur; Christopher Dayao,23, taga-La Trinidad, Benguet;
Richard Payas, Tarlac; Jonathan Habradilla, 31, taga-Baguio;Dario Payoyo,31,
Benguet; Elvis Lawig, 52, Mt. Province; Allan Diwan, 28, Isabela; at Jhonny
Ramos, 35, Bisao, Quirino.
Nakuha sa nasabing grupo ang ilang granada,
mga baril at mga gamit sa paghuhukay.
Ang nasabing grupo ang suspek umano sa
planong panloloob sa RCBC Bank sa bayan ng Surallah kung saan nakapag-sagawa na
ng tunnel ang mga ito.
Nadiskubre ang tunnel na ginawa ng grupo
nitong mga nakaraang araw lamang.
Mga minero umano ang suspek mula sa
Cordillera Administrative Region (CAR).
Mula sa Surallah, natiktikan umano ang modus
ng grupo dahilan upang lumipat sila ng Tacurong kung saan sila nahuli.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa
walong suspek. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento