Photo credit by: William dela Torre |
Ito ang ilan sa reaksiyon ni Dr. Khaironesa
Pahm ang grand daughter ng USM founder
na si Bai Hadja Matabay Plang sa panayam ng DXVL News sa isinagawang floral
offering at kanduli sa marker ng founder kahapon ng umaga.
Sinabi pa nito na itinuturing nilang isang
kagalang –galang na ina si Bai Hadja Matabay Plang dahil sa matinding
pagpapahalaga nito sa edukasyon ng mga kabataan lalong-lalo na sa mga mahihirap
ngunit deserving na mga kabataan.
Isa umano ito sa rason kung bakit tatlo ang
itinatag na paaralan ni Plang, ang University of Southern Mindanao sa Kabacan,
Cotabato Foundation of Science and Technology o CFCST sa Doruluman Arakan,
Cotabato at ang Cotabato Foundation of Science and Technology Pikit External
Campus sa Batulawan Pikit, Cotabato.
Kung hindi umano namatay si Plang noong 1984
malamang na nagging tulad na rin ng USM ang CFCST Batulawan campus, dagdag pa
ni Dr. Pahm. Rhoderick Beñez &
Cristine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento