(Kabacan, Cotabato/ September 25, 2014) ---Aminado
si Hon. Judge Laureano Alzate, presiding Judge ng Regional Trial Court RTC
Branch 22 ng Kabacan na “Justice Delay, Justice Deny”.
Pero marami umano itong dahilan kung bakit
minsan ay mabagal ang pag-usad ng kaso.
Ilan sa mga rason dito ay nasa seminar ang
hukom, bagama’t hindi naman madalas ito, pangalawa ay ang kawalan ng piskal,
defense lawyer o di kaya walang testigo kaya napapaliban ang hearing.
Ginawa ng huwes ang pahayag sa panayam ng
DXVL News kahapon kaugnay sa isinagawang Enhanced Justice on Wheels sa
probinsiya ng Cotabato na pinangunahan ng Supreme Court.
Dagdag pa ng Hukom na sa kanyang isinagawang
promulgation kahapon sa EJOW ay nilitis nito ang 23 akusado na nahaharap sa
iba’t-ibang kaso kagaya ng murder, illegal possession of firearm, sugal, drug
trafficking at iba pa.
Sa 23 akusado, apat ang naabswelto, 12 ang
konbiktado, 5 ang probationary dismissed at 1 ang napaalis.
Ipinaliwanag din nito ang kaugnay sa chain
of custody rin sa kadalasang pagkakamali ng mga arresting officer sa pag
preserba ng kridibilidad ng ebedensiya lalo na sa illegal drugs. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento