(Carmen, Cotabato/ September 29, 2014) ---Arestado ang
isang 32-anyos na negosyante dahil sa kinakaharap na kasong estafa sa mismong
bahay nito sa Purok 3, Poblacion, Carmen, Cotabato alas 8:00 kahapon ng umaga.
Sa report ng Carmen PNP kinilala ang nahuli na si Gerard
Badong, residente ng nasabing lugar.
Ang warrant of arrest ay isinilbi kay Badong ng mga
pulis na inisyu ni 3rd Municipal Circuit court Kabacan-Carmen ni
Hon. Judge Charlito Untal de-Guzman.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Batan Pambansa Blg. 22
o estafa, ayon sa Carmen PNP.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento