Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 sekyu ng hospital, sugatan sa pamamaril

(Cotabato City/ October 1, 2014) ---Tatlong mga security guards ang naiulat na nasugatan sa nangyaring pamamaril sa Cotabato Regional Medical Center o CRMC matapos paulanan ng bala ng mga suspek na riding in tandem.

Sinabi ni Cotabato City Police Station 2 commander Sr. Insp. Reynaldo Delantin na nangyari ang insidente pasado alas otso kagabi.

Lumalabas sa inisyal na pagsisisyasat ng City PNP, abala sa pagbabantay ang mga biktima na sina Amerodin Sumandal,

Tasil mohammad at Jahab Abdullah sa main entrance ng CRMC nang pagbabarilin ng dalawang mga suspek na pawang armado ng cal. 45 pistol.

Nagawa pa umanong makatakbo ng dalawang gwardya papalayo sa main gate habang nakuhanan naman ng kanyang dalang M-16 baby armalite ang isa pang gwardya na nasa loob ng kanilang outpost.

Makaraang matangay ang baril ng mga sekyu agad na tumalilis papalayo ang mga suspek lulan ng Honda 200-R na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento