Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Pres Derije, handang tanggapin kung anu ang magiging desisyon ng kanyang re-appointment bukas

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 3, 2013) ---Sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije na wala siyang kaba at handa umano nitong tanggapin kung anu man ang magiging desisyon ng kanyang re-appointment bukas.

Tiwala ang opisyal na nagampanan nito ng mabuti ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng Pamantasan sa pagpapalakas at pagpapatatag ng four fold function ng University of Southern Mindanao.

Ground Breaking & Capsule-Laying ng Longest Zipline sa Southeast Asia na nasa Makilala; isinagawa


(Makilala, North Cotabato/ January 3, 2012) ---Isinagawa kaninang umaga ang ground breaking & Capsule –Laying ng longest Zipline sa Southeast Asia na makikita sa Brgy. New Israel sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Naguna sa nasabing seremonya si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza kasama ang ilang mga miyembre ng Sangguniang Panlalawigan, Makilala Mayor Rudy Caoagdan kasama ng ilang mga municipal officials at brgy opisyal ng Brgy New Israel.

42-anyos na ginang, panibagong biktima ng pamamaril sa loob ng Kabacan Public Market


(Kabacan, North Cotabato/ January 3, 2012) ---Patay ang isang 42 taong gulang na ginang makaraang pagbabarilin sa loob ng Kabacan public market alas 6:45 kagabi.

Kinilala ni Supt. Leo ajero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Elma Montawal, may asawa at residente ng brgy Patadon, Kidapawan city.

Senior Police sa Kidapawan City, ‘brain dead’ matapos masangkot sa New Year’s road Accident


(Kidapawan City/ January 2, 2012) ---Kritikal ang kondisyon ng isang magreretirong sanang Senior Police Officer ng Kidapawan city PNP matapos na masangkot sa isang vehicular accident alas 12:30 ng madaling araw nitong pagsalubong ng bagong taon.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si SPO4 Rene Cartagena Presno, chief executive senior police officer (CESPO) ng Kidapawan City PNP.

3 buwang buntis; patay matapos magbigti sa Kabacan, Cotabato sa New Year's day

(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2012) ---Sinalubong ni kamatayan ang isang tatlong buwang buntis na babae sa unang araw ng bagong taon makaraang magbigti sa kanilang bahay alas 9:30 ng gabi sa Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima sa pangalang Myla Mayo, 33- taong gulang at residente ng Bliss, Purok 7 ng nabanggit na lugar.

Gusali ng pampublikong paaralan sa isang brgy sa Kabacan; tinupok ng apoy


(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2013) ---Nilamon ng apoy ang tatlong classroom building kasama na ang principal’s office sa dulo ng gusali makaraang sumiklab ang sunog sa Kilagasan Elementary School alas 8:12 ngayong gabi lamang.

Sa panayam ngayong gabi ng DXVL News kay Kabacan Central Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon, agad na naapula ng mga tauhan nito ang nasabing sunog matapos na makapagresponde ang mga ito sa erya.

45 biktima ng firecrackers related injuries sa Central Mindanao


(January 2, 2013) ---Umakyat na ngayon sa 45 ang mga firecrackers related injuries ang naitala ng Department of Health o DOH 12 as of January 2, 2013.

Sa isang kalatas na ipinadala sa DXVL ni Health and Education Promotion Officer Jenny Ventura, 15 ang mula sa Cotabato Regional Medical Center o CRMC kabilang na ditto ang 7 biktima ng stray bullet, 5 buhat sa Cotabato city at dalawa mula sa Pigcawayan, North Cotabato.

Kasapi ng Brgy. Police ng M’lang, Nocot; patay sa pamamaril sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2013) ---Patay ang isang 28-anyos na kasapi ng brgy. Police sa bayan ng M’lang makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng baril sa National Highway, particular sa Rizal St. malapit sa gilid ng LBC at Mercury drugstore sa Poblacion, Kabacan alas 9:00 kagabi.

Ayon sa impormasyong nakalap ng DXVL News mula sa himpilan ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima sa pangalang Jene Dengui Jordan, 28-taong gulang, may asawa at residente ng New Antique sa bayan ng Mlang.

1 biktima ng stray bullet sa Carmen sa pagsalubong ng bagong taon; Kabacan naging matiwasay sa pagsalubong ng 2013; 34 biktima ng firecrackers related injuries sa R12 ---DOH


(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2013) ---Naging matahimik at matiwasay sa kabuuan ang pagsalubong ng bagong taon sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Supt. Leo Ajero na wala naman umanong mga malalaking insedente ng mga natamaan ng mga firecrackers o mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon kahapon.

Isang tindahan sa Makilala, nasunog ilang oras matapos ang pagsalubong ng bagong taon; 2 container van sa Magpet, nasunog din


(Makilala, North Cotabato/ January 2, 2012) ---Abot sa humigit kumulang sa P3M piso ang danyos sa isang tindahan sa Makilala, North Cotabato makaraang masunog ito, alas 4:30 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa kay George Romano, care taker ng nasabing business establishment na Immaculate Prints, isang internet café na makikita malapit lamang sa fire station ng Makilala.

Magsasaka, arestado ng Carmen PNP dahil sa panggagahasa


(Carmen, North Cotabato/ January 2, 2013) ---Kalabuso at naghihimas ngayon ng malamig na rehas bakal ang isang magsasaka makaraang arestuhin ng Carmen PNP dahil sa panggagahasa sa isang 19-anyos na dalaga noong December 27.

Kinilala ni PC/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang suspek na si Rustom Olivar, nasa tamang edad, walang asawa at residente ng General Luna ng nabanggit na bayan.

7-anyos na bata; patay matapos mabangga ng isang sasakyan sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 2, 2012) ---Patay ang isang pitong taong gulang na bata makaraang mahagip ng rumaragasang KIA-SUV sa crossing ng national highway sa bayan ng Matalam, North Cotabato, alas 10:00 ng umaga noong Sabado.
       
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Quennie Rose Mendoza, Grade-One pupil ng Matalam Elementary School at residente ng Poblacion, Matalam.