(Kabacan, North Cotabato/ January 3, 2012)
---Patay ang isang 42 taong gulang na ginang makaraang pagbabarilin sa loob ng
Kabacan public market alas 6:45 kagabi.
Kinilala ni Supt. Leo ajero, hepe ng Kabacan
PNP ang biktima na si Elma Montawal, may asawa at residente ng brgy Patadon,
Kidapawan city.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa
Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng karampatang lunas habang mabilis
namang tumakas ang suspek papalayo sa crime scene.
Agad namang ikinasa ng Kabacan PNP ang
dragnet operation para sa ikadarakip ng suspect.
Ito na ang ikalawang kaso ng pamamaril na
naitala sa unang linggo ng taon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento