(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2013)
---Nilamon ng apoy ang tatlong classroom building kasama na ang principal’s
office sa dulo ng gusali makaraang sumiklab ang sunog sa Kilagasan Elementary
School alas 8:12 ngayong gabi lamang.
Sa panayam ngayong gabi ng DXVL News kay
Kabacan Central Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon, agad na naapula ng mga
tauhan nito ang nasabing sunog matapos na makapagresponde ang mga ito sa erya.
Inabot ng 15 minuto ang pakikipaglaban ng
mga kagawad ng pamatay apoy sa nasabing sunog at tuluyang naapula ito alas 8:30
ngayong gabi.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga
otoridad, naiwanang naka bukas umano ang plangka ng kuryente.
Sinabi pa ni Guiamalon na, negligence ang
isa mga mga dahilan ng sunog ito dahil sa bago lamang umano inayos o
kinalibrate ang metro ng kuryente ng nasabing gusali at baka nagkaroon ng
electrical problem sa system.
Bukod dito, iniuugnay din nila ang
pinagmulan ng sunog nab aka overloaded ang keryente dahil sa dami ng mga
appliances at ang iba dito ay naiwanang pang nakabukas, ayon sa report ng BFP.
Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung magkano ang kabuuang danyos sa
nasabing sunog habang wala naman umanong may nasaktan o nasawi sa insedente.
Bukas nais paimbestigahan ni Guiamalon ang
principal ng nasabing paaralan na si Mrs. Cedeza Gura para mabatid ang totoong
pinagmulan ng apoy habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga bumbero.
Ito na ang ikalawang sunog na naireport sa
probinsiya, ang una ay isang business establishment sa bayan ng Makilala noong
kasagsagan ng pagsalunong ng bagong taon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento