Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang tindahan sa Makilala, nasunog ilang oras matapos ang pagsalubong ng bagong taon; 2 container van sa Magpet, nasunog din


(Makilala, North Cotabato/ January 2, 2012) ---Abot sa humigit kumulang sa P3M piso ang danyos sa isang tindahan sa Makilala, North Cotabato makaraang masunog ito, alas 4:30 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa kay George Romano, care taker ng nasabing business establishment na Immaculate Prints, isang internet café na makikita malapit lamang sa fire station ng Makilala.


Kasama umanong natupok ng apaoy ang dalawang palapag na bahay na nakadikit sa nasabing internet café kabilang na ang kanilang garahe. Hindi rin matiyak ni Romano kung ang pinagmulan ng apoy ay firecrackers.

Pero hindi rin siya kumbinsido na ang pinagmulan ng apoy ay faulty wiring dahil sa nangyari ang insedente sa panahon na walang kuryente sa nabanggit na lugar.

Pero hindi daw big deal para aniya kung anu ang pinagmulan ng sunog, ang masakit para kay Romano ay ang mabagal na pagresponde ng mga kagawad ng pamatay apoy na kung tutuusin ilang hakbang lamang ang layo nito sa insedente ng sunog.

Dagdag pa nito, na dumating ang mga bumbero sa sunog, 20 minuto makaraang maganap ang insedente kaya ang naisalba lamang nito ay ang kanilang freezer at ilang mga appliances. Wala namang may naiulat na nasawi o nasaktan dahil sa sunog.

Samantala sa bayan ng Magpet, North Cotabato --- dalawang mga container vans na pag-mamay-ari ng Magpet Agro-Industrial Multi-Purpose Cooperative (Magirco) ang nasira dahil sa sunog. Ilan sa mga grupong rumesponse sa nasabing sunog  ay ang mga volunteers buhat sa 505 Disaster Rescue, Emergencies, Assistance, and Management (DREAM), isang rescue group na nakabase sa Kidapawan City ayt ilang mga kagawad ng pamatay apoy mula sa Bureau of Fire Protection sa nabanggit na lungsod.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento