(Makilala, North Cotabato/ January 3, 2012)
---Isinagawa kaninang umaga ang ground breaking & Capsule –Laying ng longest
Zipline sa Southeast Asia na makikita sa Brgy.
New Israel sa bayan ng Makilala, North Cotabato.
Naguna
sa nasabing seremonya si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza kasama
ang ilang mga miyembre ng Sangguniang Panlalawigan, Makilala Mayor Rudy
Caoagdan kasama ng ilang mga municipal officials at brgy opisyal ng Brgy New
Israel.
Sumaksi
din sa nasabing aktibidad kanina si Department of Tourism Regional Director
Jose Cabulanan kungsaan kasama nitong pinopromote sa kanilang programa ang mga
bagong tuklas na tourist destination sa probinsiya ng North Cotabato.
Sinabi
naman ni Mendoza na makalipas ang dalawang buwan na pwede ng magamit ang
itinuturing na longest at state of the art zipline hindi lamang sa Mindanao
kundi maging sa buong Southeast asia na makikita ditto sa North Cotabato.
Dagdag
pa nito na ang probinsiya ng North Cotabato ay handa na sa turismo at isa ito
sa mga indikasyon na nagiging stable na ang peace ang order sa lugar bagama’t
di maiiwasan ang ilang mga kaguluhan, ayon pa sa gobernador.
Iginiit
pa nito na may pera sa turismo.
Ang
development ng New Israel Eco-tourism Park at konstruksiyon ng 1.2kilometro at
1.0kilomentrong Zipline ay buhat sa buwis na ibinibigay ng EDC na nagkakahalaga
ang nasabing proyekto ng abot sa P5.8M. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento